Tuesday, November 18, 2008

Pangungusap

ni EJ Bagacina

Nalunod tayo
sa salita, hindi makaahon
sa grabedad ng panahon,
at kahit gusto man nating
mangusap, laylay pa rin
ang nababad nating dila.

Wednesday, November 5, 2008

Magmamana

ni Joseph Casimiro

Hinabi ni ina ang isang kwaderno
mula sa mga natirang pahina nina ate at kuya.
Sa aking pinakaunang araw, hahawakan ako ni ama.