Sunday, May 30, 2010

Teleserye

ni Monching Damasing


Nahulog sa lababo
Ang singsing na may puso.
Iniahon sa guho,
Iyong ulong naabo.

Friday, May 14, 2010

Ibang Klase

ni Ali Sangalang


Shit,


'Yung "Shet" niya,


"Xet"

Bombilya

ni Nicko Caluya


Hayaang magliwanag
at nagkaroon ng liwanag

ang malalang alaala

ng mga sandaling hinihintay
bago maramdaman ang paghinga

at sa wakas ay mahawakan

ang mga kamay. Mahigpit
mang nagtitimpi

ang pagmasdan kahit anino

ng katawan o kung anong hugis
sa manipis na tela. Tumatagos

patungo sa kaloob-looban

ang hindi maipaliwanag na
pagsabog.