tag:blogger.com,1999:blog-56997379698107180932024-03-14T06:14:50.330+08:00marahildahil nauso ang magmakataMarahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.comBlogger109125tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-79350388539829370622017-01-03T12:28:00.000+08:002017-01-03T12:28:58.175+08:00Isa na Namang Pagsakay sa Trenni EJ Bagacina
Lakarin mula Santolan hanggang Cubao?
Tinawanan mo ako, sabay turo sa itaas
ng mga poste't ilaw, sa semento't bakal
na daang humahati sa mausok na kalangitan,
kaya nga merong tren.
Hindi mo alam,
gusto ko lamang
patagalin ang oras,
kasingtagal ng panahong hindi tayo nagkita,
Mas matagal pa sa katahimikan
nating dalawa sa loob ng tren
bago pa man kumawala ang salitang kumusta.
Sa totoo lang, hindi sapat ang sampung minuto
sa dami ng nais sabihin o itanong sa'yo, kung
may nagpatibok na ba ulit ng iyong puso,
o kung hindi ka pa ba nagsasawa
sa pag-uwi sa lungsod, at kung
hindi ka pa ba iniligaw nito.
Sa totoo lang, bago pa man matapos ang tulang ito,
magbubukas na ang pinto ng tren,
magpapaalam ka ng hanggang dito na lang ako,
mabilis na mawawala sa nagsisiksikang mga tao.
Maiiwan akong nakadungaw
sa bintana, sa isip itong tula.
Darating ang kasalubong na tren
at unti-unti itong buburahin.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-87235284869169060972012-05-05T22:20:00.002+08:002012-05-05T22:22:41.455+08:00Pangitainni Paolo Tiausas
Nagningas ang isang patlang sa ere
at natikom ang kanilang mga labi—
Tingin lamang ang dumarating at umaabot
sa isang apoy, dahan-dahang dinuduyan
ng hubog ng dilim. Nananahimik
ang buong kagubatan. Nagpapahintulot
sa mga nauumid na buntong-hininga.
Nawalan ng tunog ang bawat pagtapak
samantalang kasabay ng kanilang paglapit
ang paglayo ng nagkakailang pirasong liwanag.
Nakakatakot. Boses sa pagitan ng mga ngipin.
At sa kanyang pagbasag naudlot ang lahat ng kilos:
namulat na lamang silang nagmaliw na ang apoy.
Magtitinginan sila, mga matang naghahanap
ng sagot, kanlungan, pagtitiwala, kapayapaan.
Magiging tawanan ang kaninang katahimikan.
Bagaman mananatili ang dalanging apoy
sa kanilang nagsasalaming mata
saanman sila luminga.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-59397667895650020932011-10-08T19:52:00.001+08:002011-10-18T15:01:45.921+08:00Kulimlimni Robi Goco
Lumalangoy ang mga kulay-abong ulap<o:p></o:p>
sa malamlam na puting langit,<o:p></o:p>
tila kisame ng ospital.<o:p></o:p>
Sa baba, mundong basa<o:p></o:p>
ng mga luha ng mga ulap,<o:p></o:p>
mga patak ng swero.
Hinawakan ko ang iyong kamay<o:p></o:p>
tulad ng paghawak ko sa payong<o:p></o:p>
kahit na hindi umuulan – takot<o:p></o:p>
sa nakaambang pagbagsak.<o:p></o:p>
Masdan mo: ang pagpikit,
tila pagdilim lamang ng himpapawid.
Hindi na liliwanag, sinta.<o:p></o:p>
Ngunit ‘wag mag-alala.
<o:p></o:p>
Mapayapa ang kawalan.
<o:p></o:p>
Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-36284156059118813302011-10-08T19:48:00.002+08:002011-10-13T18:08:46.308+08:00Ang Hindi Kilalani Robi Goco
ng football field, nakaharap sa Katipunan Avenue. Alas-onse na ng gabi at
pinapanood ko ang mga sasakyan na dumaan. Ginagawa ko ito – tahimik na
nagmumuni-muni ukol sa buhay ko sa isang maingay na lugar - kapag namomroblema
ako. Ginagawa ko rin ito sa cafeteria at sa McDo. Ngayong gabi, naantala ang
aking proseso ng pag-bati ng isang babae.<o:p></o:p>
ang kaniyang balat at mahaba ang buhok. Payat siya at tantiya kong
magkasing-tangkad kami. Nagsusuot siya ng salamin: Black and thick-rimmed, just how I like it.Naka-jeans at itim na
shirt lang siya. Tahimik lang siyang
nakatayo sa harap ko, tila naghihintay na magsalita ako.<o:p></o:p>
kita naging kaklase?” tanong ko.<o:p></o:p>
nasa harap ko noon. Sorry ha, medyo mahina ang memory ko sa mga tao. Ano nga
ang pangalan mo ulit?”<o:p></o:p>
kanyang pangalan. Maaring hindi ko kasi siya nakilala noong magkaklase kami.
Natatandaan ko lang ang mahaba niyang buhok sa upuan sa harap ko. O nililinlang
lang ba ako ng aking alaala?<o:p></o:p>
mahilig mag-recite sa klase eh.” pangiti niyang sinabi. Kilala niya ako!<o:p></o:p>
lang, ‘di ako ganun.”<o:p></o:p>
kang kaibigan, nakikita kita sa foyer.”<o:p></o:p>
anti-social.” Paano niya nalaman na pagiging isang mailap na tao ang sinasabi
ko? Pinalipas ko na lang ito. “Let’s just say minsan, I prefer being alone -
lalo na pag may problema ako.” <o:p></o:p>
nga ba siya kinakausap ngayon? Bakit niya ba ako kinakausap? Saan nga ba siya
nanggaling? Parang kanina lang, mag-isa lang ako ditong nananahimik, at ngayon,
naoobliga akong makipagusap sa kaniya. Kung hindi lang siya cute, di ko na sana
siya pinansin. “Bakit mo ako kinakausap?”<o:p></o:p>
tanong niya.<o:p></o:p>
kinakausap kahit halos di mo na ako makilala?”<o:p></o:p>
Math kanina eh. Ang bobo ko talaga.” Ganito lagi ang tono ko pag dating sa
academics.<o:p></o:p>
Nakapag-aral ka ba ng maayos?”<o:p></o:p>
math, dati pa.” Masokistang kasiyahan ko ang aminin na bobo ako sa ilang mga
bagay.”<o:p></o:p>
kong makialam sa mga problema mo sa sarili mo. Wala ako sa posisyon na
manghusga sa kahit anong tungkol sa’yo kasi ‘di kita kilala. Ayaw kong magpayo
na mag-aral ka, na humingi ka ng tulong, blah blah blah. Gets mo ba?”<o:p></o:p>
alam?” napapakunot ang noo ko, nakataas ang isang kilay. Buti na lang at hindi
niya napansin, medyo bastos pala ang reaksyon ko.<o:p></o:p>
friendly advice pa lang, nanghuhusga ka na ng tao. Halimbawa, sasabihin kong
galingan mo ang pag-aaral mo. Puwedeng ibig sabihin noon, na sa tingin ko,
hindi mo ginagalingan ang iyong pag-aaral. Sa lahat ng ayaw ko, ayaw kong
hinuhusgahan ako ng mga tao, lalo nan g mga taong hindi naman ako kilala ng
lubos.”<o:p></o:p>
Nabibigla na lang ako sa mga sinasabi niya, Una sa lahat, halos hindi kami
magkakilala. Pangalawa, napaka-personal ng mga sinasabi niya. Napaisip tuloy
ako kung tama ba na binanggit ko na may problema ako. Medyo naiinis ako na
kinakailangan kong makitungo sa kanya, out
of courtesy. Magalang ako kaya titiisin ko na lang. After all, medyo
interesante ang mga ideya niya. Iba ang takbo ng utak niya.<o:p></o:p>
ang dami mong alam? Pero gets ko. Reason ko rin ‘yan kung bakit ayoko ng
company ‘pag may problema ako. So ano na lang gagawin ko sa sarili ko nito?”<o:p></o:p>
kuwenta ang problema mo.” sabi niya. Hindi niya napapansin ang pagpapaulit-ulit
ko na makulit siya. Hindi ko na pinagpilitan pang iparamdam kay Leony ang
nararamdaman kong invasion of private
space, lalo na’t abala ako sa aking drama ngayong gabi. Siguro ay
makakabuti sa akin na may kinakausap naman, para maiba. After all, talagang
nagiging interesado na ako sa mga sinasabi niya matapos niyang sabihin na
walang kuwenta ang problema ko. “Nakakalungkot naman yan!” pabiro kong sinabi.<o:p></o:p>
Imagine, sa eksaktong oras na ito, may humigit kumulang na isang daang libo tao
sa mundo ang mas malala ang problema kaysa sa’yo.” Nakatitig siya diretso sa
aking mga mata. Sa tingin ko ay sinisiguro niya na seryosohin ko ang kanyang
ipinaparating.<o:p></o:p>
mundo, may babaeng ginagahasa sa gitna ng gubat kung saan walang makaririnig,
may lalaking ibinubuhos ang lahat ng natititra niyang lakas upang sabihin ang
kanyhang huling habilin sa kaibigan niya, at may batang buto’t balat na
nakahiga sa lupang bitak-bitak dahil sa katuyuan, unti-unting naluluto ng araw
at hinihintay na mamatay ng mga buwitre. Lahat ng ito, nangyari na o nangyayari
habang naguusap tayo.” Malungkot ang pagkakabigkas niya. Kung hindi ko lang
siya kilala, paghihinalaan kong pinaghandaan na niyang sabihin ang kanyang naisip
para sa mga taong nakakausap niya.<o:p></o:p>
sinasabi niya. Aaminin ko, medyo mahilig ako sa mga malulungkot na imahe, pero
mas kapansin-pansin sa kanya ang imahinasyon niya para dito. “Wait lang, ano
ung buwitre? Vulture?”<o:p></o:p>
yang sinabi mo in the sense na wala akong karapatang malungkot ng ganito. Pero
ito ha.. Alam kong medyo insensitive ‘to, pero para sa diskusyon, ano namang
pakialam ko sa kanila?” Maisahan ko kaya siya? Unti-unti na akong napapangiti.<o:p></o:p>
Walang pumipigil sa’yo. Pero ako kasi, nararamdaman kong responsable ako para
sa lahat ng kapwa tao. Wala ka naman kasing pagtutuunan ng atensyon kundi tao,
kahit ang self-interest mo, nakadepende sa pakialam mo sa ibang tao. Tao ka rin
eh. Kahit wala pa akong magagawa para sa kanila ngayon, mas mabuti pa rin itong
pag-alala kaysa sa wala akong pakialam.”<o:p></o:p>
Pinagisipan kong mabuti ang sinasabi niya. Si Leony kaya? Ano kayang umiikot sa
isipan niya ngayon? Napatigil ako sa aking pagka-tulala nang matanto kong lumalalim
na ang gabi.<o:p></o:p>
kailangan ko nang umuwi. Alas-onse na at nagsasara ang gate na inuuwian ko ng
alas-dose. I’ve had a great time talking…”<o:p></o:p>
kita? Wala kasi akong ginagawa eh.” Sa pangalawang pagkakataon, pinutol na
naman niya ang sasabihin ko. Napakamot ako sa ulo ko. Gusto ko siyang kausap,
pero medyo nakukulitan na rin ako sa kanya.<o:p></o:p>
nakatira? Dun ako sa Barangka, medyo malayo pang lakad tapos bababa pa sa
hagdanan. Okay lang…”<o:p></o:p>
Pinutol na naman niya ang sinasabi ko. Bakit ba parang alam na niya lahat ng
sasabihin ko? Tumayo na ako at nagpantay ang aming mga paningin. Sinabayan niya
akong maglakad. <o:p></o:p>
sinasabi mo kanina, ang masasabi ko lang: problema yan. Hindi mo kayang
tulungan silang lahat. Laging mangyayare ang mga bagay na nakaka-depress.”<o:p></o:p>
ng katahimikan. Madalas, nagmamadali ako pauwi habang nakikinig ng music sa
cellphone ko. Pero ngayon, mabagal ang aking mga hakbang at imbes na indie
music ang lumulunod sa aking pandinig, ang huni ng mga kuliglig at ang bulong
ng hangin. Muntikan ko nang makalimutan ang tunog ng gabi. Pinutol niya ang
dyaheng katahimikan.<o:p></o:p>
kinukuwento ko kanina? Nabutas ng bala ang baga niya. Di na niya naihatid ang last words niya.”<o:p></o:p>
‘Pag ang tao daw, nakakaramdam ng matinding takot, napapa-ihi daw sila o
napapa-tae. Pag na-expel mo na kasi lahat ng waste mo, mas mapapabilis mo daw
ang takbo mo. Sa tingin mo, napa-ihi kaya ‘yung lalake sa kuwento mo?”
Pinipilit kong makita ang hangganan ng imahinasyon niya – kung sasakay siya sa
mga trip ko o hindi.<o:p></o:p>
siya nakinabang dito, di na siya makakatakbo eh.” Tumingin siya sa akin.
Madilim ang balintataw ng kanyang mga mata. Napangiti ako.<o:p></o:p>
Kahit walang kuwenta nga ang problema ko, sa konteksto ko, lalo na sa
kahihinatnan ng buhay ko pag binagsak ko ang buong klase kong ito, malaking
problema pa rin siya!” sabi ko. Pinaguusapan pa rin naming kung anong nararapat
na hakbang ang dapat gawin para sa mga problema. Pinipilit ko pa rin ang aking
posisyon, at obvious lang naman na ‘yun ang gawin ko.<o:p></o:p>
Sabi niya. Napapalagay na kaagad ang loob ko sa kanya kahit na kanina lang kami
talaga nagkakilala. Hindi naman ito tagpuang romantiko, isa lamang nakakatuwang
engkwentro sa isang taong kapareho mong magisip.<o:p></o:p>
babagsak ako sa kolehiyo, hindi ako makaka-graduate, hindi ako makakakuha ng
magandang trabaho, maghihirap ako. Ganun lang naman.”<o:p></o:p>
kung maghirap ka? Ano naman ngayon kung hindi ka makatapos ng pag-aaral?”<o:p></o:p>
hindi lang sa pagiging matagumpay ang matatagpuan ang kasiyahan.”<o:p></o:p>
nagdrodroga, nagsesex, o nagnanakaw para maging masaya. Mayroon rin namang mga
nagpapari, nagvovolunteer sa peace corps, o nagbubuhay public service. Walang
hanggang ang posibilidad ng kasiyahan, kaya kung ako sayo, wag mo siyang
ikulong sa pagtatapos lang ng pag-aaral.” Bahagya akong napatawa sa pagsabi
niya ng salitang sex. Minsan lang
akong nakakapakinig ng babaeng magbigkas noon na walang arte. Straightforward at natural.<o:p></o:p>
nag-aaral ka rin diba? Ano nga ulet ang course mo? I must say, nakakatuwa ang
konsepto mo ng kasiyahan. Hahaha.”<o:p></o:p>
lamang na-realize yan pero nakaka-liberate talaga siyang isipin. Kung lagi mong
aalahanin ‘yun, hindi ka na magtataka sa mga taong kakaiba ang kasiyahan.”<o:p></o:p>
sa sasabihin niyang halimbawa.<o:p></o:p>
nangongolekta ng Ecstasy pills na iba’t iba ang disenyo. 2,400 pills ‘yun.
Meron ring koleksyon ng mga kuko sa paa, kahit dismembered heads. Pagkakaalam
ko nga, may mga museo para dyan. Meron ring nangongolekta ng mga vacuum
cleaners, KPop memorabilla…”<o:p></o:p>
toenails at mga pugot na ulo… tapos isasama mo ang KPop? ‘Di ka rin biased no?
Hahahaha.”<o:p></o:p>
pinakamalupit, kuwento lang sa akin. Hindi na nga ako halos naniniwala dito
pero nakakatuwa pa ring ikuwento. Mayroon daw empleyado ng isang sikat na motel
sa Cubao, janitor siya. Ang kinokolekta niya ay used condoms galing sa mga kuwartong nililinisan niya.”<o:p></o:p>
kailangan ba nating malaman?”<o:p></o:p>
nga na naiwan dun ang istorya. Open
ending.”<o:p></o:p>
makasalubong ko ng tingin ang security guard na siya namang umaakyat. Maingay
kaming nagkuwekuwentuhan ni Leony noon at lubha akong nabagabag sa pagtigin ng
sekyu sa akin. Hindi maipinta ang kanyang mukha - tila may hindi siya naiintindihan sa akin. Sa
aming dalawa. Hindi kaya’t napakinggan niya ang pinaguusapan namin? Tumingin
ako kay Leony, na nasa likod ko noon, para humanap ng bakas ng reaksyon niya sa
dumaang sekyu. Hindi niya ‘ata napansin.<o:p></o:p>
house nang mahalata kong kasama ko pa rin si Leony hanggang doon. Napalayo na
ata siya sa uuwian niya, o hindi kaya malapit rin ang bahay niya? Kailangan na
niyang magpaalam. It’s been a long day,
gusto na niyang magpahinga. Malungkot nga lang na kailangan na niyang magpaalam
kay Leony gayong nawili siya sa pakikipagkwentuhan sa kanya.<o:p></o:p>
night. Thanks for the talk. I really appreciated it.”<o:p></o:p>
siyang muli. Inasahan kong marami pa siyang sasabihin tulad kanina ngunit ang
sinagot na lang niya ay isang maigsing “Likewise”. Hindi ko pa siya iniwan
kaagad, hinintay ko munang baka may sabihin pa siya – na baka may
maikuwekuwento pa siya sa aking nakakatuwa. Nakakatuwa ngunit madilim ang tema.<o:p></o:p>
kaya nagpasya na akong tumuloy sa bahay, lalo na’t nahihilo na rin ako sa
antok. Nagbitiw na ang aming titigan at naiwan sa aking isipan ang larawan ng
kanyang mga mata na tila tanong. Hindi ko rin maintindihang lubos ngunit kapag
naalala ko ang kanyang tingin, nalalagay ako sa kapalagayan kahit na nababalot
ito ng misteryo.<o:p></o:p>
boarding house ko, naalala ko: “Ay, nga pala Leony, saan ka nakatira? Anong
course mo tsaka ano na rin ‘yung number mo? Maybe we could get a cup of coffee
sometimes.” Lumingon ako upang ihabol ang mga tanong kong hindi niya nasagot,
ngunit wala na siya. Nawala na ang taong nakilala ko ngunit hindi ko rin talaga
nakilala. Siguro ay mabilis lang talaga siyang nakaalis.<o:p></o:p>
kuwarto, at natulog. Hindi ko na pinagisipan pa ang mga dahilan. Sapat na sa
akin ang engkwentro na ‘yun.<o:p></o:p>
Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-87960674913645901922011-10-05T19:29:00.001+08:002011-10-05T19:32:58.024+08:00Tiniklingni Nicko Caluya
Mula sa kawayang hiniwa
lumayo ang isa sa isa pa
lamang walang muwang. Puwang
ang namuo sa pagitan
ng mga nahulog na sanga
na pinag-uumpog ng Amihan.
Binalot din sila ng kasuotan
mula balikat hanggang sakong
bago pa pagnasaan ang kahubdan.
Sa pagdama ng init mula
sa lupa, umangat ang mga paa
at gumalaw sa kabilang panig
ng gumagalaw ding kawayan.
Tumitig ang isa sa isa pa
nang hindi iniinda ang sakit
ng pagkaka(pili)pit. Pilit
isinisiksik ang sarili
sa sayaw na mapanganib.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-28659294880784426362011-09-11T16:45:00.003+08:002011-09-12T10:02:29.423+08:00Marxismoni Lester Abuel
Binibigyang-halaga dapat
ang bawat paggawa.
Ngunit ang bawat paggawa,
binibigyang-halaga.
Binibigyang-halaga kasi
ang bawat paggawang binibigyan
ng halaga. Ngunit dapat, ang paggawang
binibigyang-halaga ang binibigyang-halaga
ng paggawa. Kasi, gawang binibigyang-halaga
ang paggawa.
Tao lamang ang makagagawa
ng paggawang nagbibigay-halaga. Sa tao lamang
mahahanap ang halaga ng paggawa. Sapagkat sa pagkatao lamang
nabibigyang-halaga ang paggawa. Kung gayon, tao
ang siyang nagbibigay-halaga sa dapat bigyang-halaga--
ang paggawa. Walang sahod na katumbas
dahil ang mismong paggawa ang nagbibigay-halaga sa tao.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-36735240139758317182011-09-11T16:34:00.004+08:002011-09-11T20:50:39.314+08:00Paggising mula sa Pagkaalipin ng Matrix[1]ni Lester Abuel
Ginawa tayong baterya ng sistema
na nagpagagalaw sa atin. Katawan,
ang mismong puhunan sa paggawa,
ang ginagamit na lakas [2] ng mga Makina
sa pagkilos ng Kanilang lipunan.
Wala na kasing silbi ang paggawa ng tao
para sa Kanila. Sanhi na lamang tayo ng lakas
dahil wala nang nagbibigay-liwanag—
taklob na kasi ang araw ng alimuom
dahil abo na ang kabihasnan. Tanging
Makina na lamang natirang gumagana.
Wala kasi Silang ginagawa kundi sundin ang sistema.
[1] Ang pelikulang “The Matrix” ang ispesipikong tinutukoy rito, ngunit maaari rin itong basahin bilang orihinal na kahulugan ng “matrix”
[2] Init ng araw ang pinanggagalingan ng lakas ng mga makina sa pelikulang “The Matrix.” Nang matakluban ang araw dahil sa digmaang Tao at Makina, ginamit ng mga Makina ang katawan ng tao bilang sanhi ng kanilang lakas.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-4852365430020639942011-04-27T00:38:00.002+08:002011-04-27T00:41:22.023+08:00Pagsara ng Bintanani Nicko Caluya
Humahalili ang bombilya
sa buwang nawawala.
Ang papel na lungsod,
ang panulat na mitsa
ng unti-unting pagliwanag
ng paligid. Sa gilid nito
ang mga palad bilang lilim
sa mga salita. Natatanaw
ang pagbuo ng mga ulap,
tumatakip sa mga tala,
bumibigat, bumibigat
hanggang magpakawala
ng matinding ulan.
Nalulusaw na ang lungsod,
unti-unting nabubura.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-22394132139305756672011-04-20T10:55:00.001+08:002011-04-20T10:57:20.450+08:00Isang Gabi
ni Monching Damasing
Namitas tayo ng mansanas isang gabi.
Inihabi ng buwan ang iyong katawan
Sa kadilimang pumapagitan sa mga sanga,
Ginagawa itong mabigat sa hubog kong
Kinakanlong ng anino mo. Sa itaas
Mabagal mong tinatanggal ang dyaryong balat
Ng mga bunga, hinila ang mga ito patungo
Sa lupa, sa aking nakatitig sa mga talang
Palamuti ng iyong buhok.
Bumalikwas ang mga sanga pabalik
Sa kinaroroonan nito, pero kung saan dati
Ang bunga, ngayo’y bughaw na liwanag
Na nilalamanan ang naiwang espasyo—
Kailan kaya siya muling magbubunga,
Tanong mo sa akin, bago kagatin
Ang aking labi, at tanging buwan
Ang bumabalot sa ating mga katawan.
Naisip ko ring itanong iyon, ibulong
Habang nasa bisig ng anino mo, nang biglang
Iniugoy ng hangin ang lahat, upang maghimig,
Upang ihimig ang nagaganap
Na kalawakan sa ating mga balat.
Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com5tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-11872719296979614542011-03-29T15:20:00.000+08:002011-03-29T15:21:43.956+08:00Pagkawala
ni Paolo Tiausas
Walang kawala sa gubat na nagnanakaw ng paningin. Ang tanging nakikita: ang mga hiblang nakalugay sa mga dambuhalang punong tinakpan at sinakop ang langit. Wala na ang langit. Walang mga tala kundi ang lihim ng mga dahon at sanga: mga matang nagbabanta mula sa lahat ng punong iniwan at nababalikan nang nababalikan nang nababalikan. Wala na pala sa katahimikan kahit ang tunog ng aking hingal. Mag-isa lang ako at ang gubat na naghahabol ng hininga.
Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-33292581536174222932011-03-02T10:17:00.003+08:002011-03-29T15:20:33.476+08:00Sa Wakasni Lester Abuel
Alam mo bang kanina pa
akong magdamag nang nakatingin
sa ('yo) litrato mo. Ang puso ko'y hindi mapalagay
dahil atin ang nagdaang gabi. Ngayon,
ito ang unang araw na wala ka na
sinta, dahil katulad mo
ako rin ay nagbago. -- alam naman nating
noon pa man, meron nang taning -- hindi na tayo
tulad ng dati, kay bilis ng sandali.
Datapwa, inaasam ko
ang panahong makapiling at makita kang muli
kahit sa una't huling pagkakataon. Ngunit sa ngayon,
maglilinis ako ng aking kwarto:
punong-puno ng galit at damit,
mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig,
mga nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban.
Hindi ko na kakayaning mabuhay sa kahapon
kaya mula ngayon, mula ngayon
dahan-dahan ko nang ikinakahon
ang mga ala-ala ng lumuluhang kahapon
ang mga dahan-dahan kong inipon
ay kailangan nang itapon. Kailangan kong gumising,
gumising sa katotohanang
hindi ka naman talaga akin.
Kung makatulog man ako
matapos ng insomnia na 'to,
sa panaginip:
tinatawag kita,
sinusuyo kita,
'di mo man marinig,
'di mo man madama.
Kay tagal kitang minahal.
Kay tagal kitang mamahalin.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-20191446114566163732011-02-25T17:40:00.002+08:002011-02-25T17:51:44.608+08:00Saudadeni Nicko Caluya
Sinisisi ng maruming hintuturo
ang bawat sinasagasaang salita.
Sinasagwan ang karagatang espasyo:
ikaw at ang kahulugang nawawala.
Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-10891392221921998272011-01-26T18:28:00.002+08:002011-01-26T18:59:45.542+08:00Xerex
ni Nicko Caluya
Alam mo na marahil ang kuwento ng buhay ko habang ipinagyayabang ang aking katawan: ang matang nakatitig sa bawat titik kung gaano kalaki, katigas at kahaba. Marahil iyon lamang ang maiiwan sa iyong alaala kapag matutulog ka na. Sa iyong kinahihigaan, may hahablot na lamang ng iyong saplot. Wala ka nang ibang magawa kundi sumunod dahil sa pananabik. Hahawakan kita at bubulungan ng mga talinhaga tungkol sa pagmamay-ari ng isa’t isa. Uungol ka ngunit walang ibang makasasaksi sa nililikha mong panaginip. Sa bagay, aabangan mo lang naman ito: ang pagpasok-labas ko sa iyo, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, hanggang magsawa ka na. Mamumula sa pagkakabuka ang gilid ng bibig at pagitan ng mga hita, manginginig ang iyong mga daliri at tuhod sa mahigpit na pagkapit, at halos maiyak ka na sa hapding dulot ng pagdiin. At dahil babanggitin ko ang pawis, dugo at laway sa sinusulat ko, mandidiri ka. Hahanapin mo ang mga pangungusap, mga dayalogong punung-puno ng pagmamahal at pagmumura: "Walang hiya ka, binibitin mo ako, gustung-gusto kita, sige pa." Upang makasigurong ikaw lang ang kausap ko, idadagdag ko na rin kung gaano ako kainteresadong maari ka nang buong-buo: "Akin ka ngayon, wala nang ibang makagagawa nito sa iyo." Wala ka nang ibang iintindihin pa kundi ang sariling pagnanasang makarating sa langit kahit gaano kalaki, katigas, o kahaba ang pagdaraanan. Aabangan mo na lamang ang aking pagpapaulan. Sa ilang sandali, hindi mo na rin makakayanan. Pagbaba ng diyaryo, masisilaw ka sa matinding sikat ng araw.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-17650721371986921752011-01-15T20:56:00.003+08:002011-01-15T21:02:13.289+08:00tahananni Paolo Tiausas
labimpitong taong gulang na ako
at wala pa rin akong kuwarto.
sa minsang biniro ko ang nanay ko
na wala akong paglalagyan ng gamit,
may pag-uyam lang siyang tumawa:
aba, nangangarap pa ’to ng kuwarto!
sa gabi ring iyon, nag-ayos ako ng gamit.
nilipat-lipat ko ang mga kalat sa bahay
para magkaroon ako ng paglalagyan
ng mga nabasa’t binabasang aklat.
maalaga’t dahan-dahan kong hinanay
ang mga aklat na pambata, mga nobelang
inaral sa hayskul, at mga koleksyong buo
ng mga maikling-kuwento at tula.
wala pang isang metrong lapad
ang hanay na aking napuno
at wala namang napansin si nanay
na pagbabago sa aming tahanan.
labimpitong taong gulang na ako
at naghahanap pa rin ako ng kuwarto.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-89334822662426907462011-01-10T21:28:00.005+08:002011-01-19T23:35:54.306+08:00Malikhaing Gawain
Bibli(ograpi)ya
Enero 10, 2011 7:26-7:31 n.g.
Henesis | Monching Damasing
Ginunita sa salita ang liwanag
Exodus | Nicko Caluya
Sumambulat ang tagsalat, sanlaksa ang nagsilayas.
Job | Japhet Calupitan
Humithit ng kung ano si Job at tinamo niya ang kaliwanagan.
Pagkawala ni Jesus | Geneve Guyano
Kinailangan ni Jesus mapag-isa mula kina Maria at Jose.
Pagdami ng Tinapay | Paolo Tiausas
Anak, sa wakas, may almusal na -- magpakailanman!
Juan 3:16 | Lester Abuel
Yapak na naglakad ang Nazarenong balot ng putik na naghihintay mabuhay muli.
1 Corinto 13:4 | Roselyn Ko
Sa dinami-rami ng mukha ng pag-ibig, iilan lang din sa kanila ang maitatawag na tunay at walang ikinukubli.
Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com5tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-88058767782409704162010-12-28T09:45:00.004+08:002010-12-28T20:38:12.273+08:00Ilang Sandali Matapos ang Simula
ni Monching Damasing
Panandalian tayong magiging anino habang gumuguho
ang mga anghel. Katawan nati’y maglalaho
nang panandalian habang nagtatapat ang ating mata
sa kanilang sementong mata. Ngingnig tayo
sa bawat pagliwanag ng langit. Habang gumuguho ang mata
ng bagyo, paisa-isang nababasag sa sahig ang mga dalisay
na mukha’t pakpak. Walang maiwiwikang dasal ang mga labi
nating nangangatal, habang sinisimulang buksan ng lupa
ang mga nakatagong sepulkro’t altar. Iniluluwal ng lupa
ang nakaraan. Wari isang uri ng pagsilang
ang paglanghap ng singaw, mata nating pumipikit,
mga palad nating tinatapat sa isa’t-isa. Yumuyukod tayo
sa ating mga anino, sa hubog nating walang-muwang sa malaon
nang nagaganap na pagguho ng mga sagisag. Tinititigan natin
ang ating mga yapak na waring hindi sariling atin. Waring
hindi atin ang sarili nating mga luha. Nagsisimula tayong umutal.
Sa isang langhap, sa sandaling nagsisimulang maluoy,
binagtas natin ang mga kalye kung saan nakatitig ang mga mata
ng ilaw-poste sa atin. Dinig natin ang laksa-laksang talampakan.
Walang mga ibon ang mga dinaraanang puno natin. Sa isang kanto,
nakaambang ang mga uwak habang iniaawit ng isang baliw
ang kaniyang nakaambang paglutang sa alangaang.
Pilit niyang inaabot, iniaabot ang sariling langit sa atin nang
gumuho ang nilililimang gusali. Kay tayog ng aking katawan,
pahayag niya, bago naglaho ang kaniyang anino.
Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-31472333186036240142010-12-16T16:10:00.001+08:002010-12-16T16:12:36.606+08:00profile picni Paolo Tiausas
binago ko ang aking mukha
para sa kapakanan nila.
isinantabi muna: luha
mula sa magang mga mata
dulot ng pagmamakaawa
sa mga taong tulad nila.
silang mga nagtitiwala
sa mga taong humuhusga:
ayon sa kanilang bunganga,
may mga karapatan sila.
dahil wala silang kilala:
ngiti na para sa camera.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-81930791787622419622010-12-13T22:48:00.003+08:002010-12-15T08:06:09.703+08:00Malikhaing GawainDisyembre 13, 2010. 7:30 - 7:35 n.g.
Kahingian: tulang hindi hihigit sa anim na linya o isang kuwentong hindi hihigit sa tatlong pangungusap. Gumamit ng anumang linya mula sa mga palabas sa telebisyon o pelikula.
Ligaya ang Itawag Mo sa Akin
Nicko Caluya
Pero okay rin ang Tukso na tumutusok
Sa malikot mong puso. O Harot, Lukso,
Haliparot, Indayog, Alindog, sa tunog
ng kahit anong ngalang kailangan ko
para mapariwara sa paraisong
pinupuwersa kong mapasok.
I Never Said That I Love You
Japhet Calupitan
Kinuha niya ang sinturon at hinigpitan
ang pantalong pinaluwang kaunti upang makalangoy
sa papawirin at makalipad sa kapatagan
samantalang binabanggit sa kaparis
"Ibibigay ko sa'yo ang lahat."
Isusumbong Kita sa Tatay Ko
Geneva Guyano
Gaya ng dati, ikaw ang nagpapaligo sa akin. Walang mali, hanggang sa napuna mong puno ng libag ang aking titi kaya kinuskos mo ito nang paulit-ulit. Kailangang malaman ito ni tatay -- kagabi pa siya umaalingasaw.
Isang Bala Ka Lang
Monching Damasing
Umaalingawngaw ang kanilang mura habang umaalingawngaw sa kanilang mga puso ang pagkawala. Pula, pula ang kulay ng alingawngaw, tanda ng pagbabalik. Tanaw nila ang pula ng langit sa kanyang mga palad.
Mula sa Magic Temple
Lester Abuel
Jubal: Ano po bang kailangan naming gawin, Aling Telang?
Telang Bayawak: Ano pa, eh di ang maging ganap na tao.
Hindi tinatawid ang ilog -- nilulusong.
Jeroshelle Santos
Nakarating ako mag-isa rito; makakauwi rin ako mag-isa. Wala na akong pag-asa.
Walang Himala
John Solito
Nahulog siya sa bangin.
Ang sakit.
Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com7tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-74472869227645368742010-12-01T21:17:00.000+08:002010-12-01T21:21:40.537+08:00Moriones
Nicko Caluya
Nabalot ng liwanag ang katawan
na balot sa kasuotang metal at tela.
Sa linggong iyon hinanap ang taksil
na saksi sa himalang pinaghihinalaang
ang dugo sa lansa ang mumulat sa bulag.
Napuno ang bawat lansangan ng mga tao,
sundalong balbas-sarado tungong kalbaryo,
sa penitensyang maglakad hanggang hapon.
Sa parehong talim nahulog ang anino
sa tapyas ng kanyang maskarang kahoy
patungo sa butas ng nasirang mata,
at sa leeg na ginuhitan ng dugo.
Sa huling sandali, tumapat
siya sa langit, naniwala.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-56597194933573169612010-11-30T13:38:00.002+08:002010-11-30T13:44:10.926+08:00Malikhaing Panayamni Brandon Dollente
Inanyayahan akong magsalita
tungkol sa lugar ng sarili sa tula.
Ipakita kung saan matatagpuan ang ako,
na para bang nagtatago ito,
nakakubli sa sanga ng mga letra,
nakalublob sa malapot na dagat
ng parikala, o nakabaon sa ilalim
ng kabilang pahina, sa susunod
na tula. Hindi ko alam kung saan
sisimulang hanapin ang sarili.
Kaya naisip kong lumikha ng sarili
kong tula at doon maghagilap.
Ngunit masyadong masalimuot
ang mundo ng liriko at palipat-lipat
ng lokasyon ang persona. Narito ako,
sabi sa akin ng sarili, bago bumaba
ng gusgusing bus, habang ginagasgas
pa nito ang tanawin sa labas.
Narito ako, sabi ng taong-grasa,
itinuturo ang pinakabago niyang pilat.
Nagpatuloy ako sa paghahanap
at nadatnan ko ang kabilang berso
kung saan isang dambuhalang salamin
ang tumambad sa akin. Narito ako,
sabi ko sa sarili. Dali-daling nabasag
ang aking tinig at nabiyak ang mundo
ng tula. Lumabas ako at ikaw
ang unang nakita, nakaupo sa gilid
ng kalsada, nagtataka kung paano,
kung saan, kung kailan.
Tinabihan kita at tiningnan
ang papel na nais kumawala
mula sa iyong mga kamay. Wala.
Wala ako riyan.
para kay GeneveMarahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com9tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-5712588303687194302010-11-29T13:19:00.002+08:002010-11-30T13:38:30.782+08:00Koloreteni Roselyn Ko
Nakita kita sa silid na iyon.
Nilalagyan ka nila ng kolorete sa mukha
at inaayusan pa ang buhok mong kulot
Dinadamitan ka nila ng kulay lila
Pinanood kita mula sa di kalayuan
Pinagmasdan nang maigi, pinag-isipan ko
kung tama ba itong nararamdaman ko para sa’yo
Tumayo ka na at lumabas ka ng kwarto.
Naalala ko pa noong una kitang makita
Ibang-iba ang iyong hitsura
Walang bahid ng kolorete sa mapungay mong mga mata
O di kaya’y wig na tumatakip sa iyong maigsing buhok
Oras mo na.
Umakyat ka sa entablado noong gabing iyon
Umasta ka na parang mayuming dalaga
Lahat ay nasiyahan sa iyong pagpapatawa
Natapos ang iyong pagtatanghal.
Bumaba ka mula sa iyong kinatatayuan
Nilapitan mo ako sabay hinagkan,
“Sister! Natapos rin ang palabas!”
Nabulabog ang aking natutulirong damdamin.
Huwag ka nang magkaila
Alam ko na ang tinatago mong lihim
Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa.
Sana noon pa lang ay nalaman ko na
nang hindi sana kita natutunang mahalin
para hindi na umasang ako ang iyong hahanap-hanapin
at hindi ang lalaking katambal mo sa dula kanina.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-60202751429580141582010-10-24T17:17:00.004+08:002010-10-24T17:23:16.786+08:00Sa Mga Huling Arawni Monching Damasing
May pangamba sa ating pagtingala.
Pinipigil natin ang ating hininga
kapag sumasambulat sa langit ang
sanlaksang ibong tinatabunan
panandalian ang ating mga anino.
Tinatapat sa ating mga mata ang
maitim nilang hubog, ang marahan
nilang salimbay. Tanaw natin
ang kanilang paglaho sa malamang hita
ng ulap na unti-unting nababahiran
ng abo. At sa sandali ng pagyao nila
sa ating gunita, mararamdaman natin
ang bagal ng ating hininga’t pagkuyom
ng marurumi nating mga kamay.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-26501034680477648552010-10-21T13:26:00.009+08:002010-10-21T13:50:37.027+08:00Paghihigantini Nicko Caluya
Umahon ang inialay
kasama ang mga alon.
Hindi na mabaybay
ang muling pagdaong
ng bawat salita.
Saksi ang buwang
hindi na nagbanta.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-89361802943093840142010-10-20T18:42:00.000+08:002010-10-20T18:54:17.768+08:00Rush Hourni Rachel Valencerina Marra
Nagpapahinga ang dalawang bata sa istasyon ng LRT sa Santolan. Isang maghapon uli silang nagpunas ng mga pares ng sapatos, sandalyas, at paa sa mga dyip na nag-aabang ng mga pasahero. Kakaunting barya pa lamang ang naiipon nila sa kanilang mga bulsa.
Tumingala sila sa langit, pinagmamasdan ang mga nagsasapawang sinag ng matitingkad na kahel, pula at dilaw sa mga siwang ng mga ulap na may bahid na ng lila. Halo-halo, sa isip ng isa. Sa loob-loob ng kasama niya, dugo.
Bumuhos sa bangketa ang mga tao mula sa istasyon.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com5tag:blogger.com,1999:blog-5699737969810718093.post-20969130643787053432010-10-05T15:07:00.002+08:002010-10-05T15:08:45.713+08:00Mata ng piniling mawalani Joseph Casimiro
Sandali lamang natunghayan
Ang mga mata, mga mata
Ng piniling
Mawala
Sandali!
Maingat ang mga mata
Ang mga mata
Maingat
Maingat na tinutunghayan ka.Marahilhttp://www.blogger.com/profile/02231100467467669774noreply@blogger.com5