Thursday, January 22, 2009

Ambroxol

ni Rachel Valencerina Marra

Nanikit sa lababo
ang plemang may bahid ng dugo.

Gaano nga ba kalayo
ang baga sa puso?

Tuesday, January 20, 2009

PALIHAN

Saturday, January 17, 2009

PALIHAN

ILIGAN NATIONAL WRITERS WORKSHOP CALL FOR APPLICATIONS

The National Commission for Culture and Arts (NCCA), the Mindanao Creative Writers Group, Inc., and the Mindanao State University-Iligan Institute of Technology's Office of the Vice Chancellor for Research and Extension (OVCRE) are accepting applications from writers to the 16th Iligan National Writers Workshop (INWW) to be held on May 25-29, 2009 in Iligan City.

Sixteen (16) slots, five each from Luzon and Visayas and six from Mindanao are available for writing fellowships to the INWW. Of the slots for Mindanao , one (1) is for the Manuel T. Buenafe Writing Fellowship preferably for Muslim or Lumad applicants.

Applicants are required to submit five poems; or, one short story; or, for the novel, a summary and 2 chapters for this work-in-progress; and, a one-act play in Filipino, English or in Cebuano.

For entries in Hiligaynon, Kinaray-a, Waray and Chavacano, translations in English are required. Please submit along with the application form two, 2X2 photos. The application form may be downloaded at www.msuiit.edu.ph (go to Department of Research-MMIDU). Please submit a hard copy and a CD with the manuscripts encoded in MS Word97. Unpublished works are preferred. Applicants must have attended at least one regional/local writers workshop, no exceptions.

Writing fellows will be given free board and lodging and a travel allowance. Applications must be postmarked on or before February 15, 2009. No applications or manuscripts will be accepted if sent after postmarked dates or by fax or e-mail.

Applicants are also advised to keep copies of their manuscripts since these will not be returned. Send all applications to the 16th INWW Director, Christine F. Godinez-Ortega c/o OVCRE, MSU-IIT, Iligan City . For more information contact Pat Cruz or Alice Bartolome or Cherly Adlawan, tels. (063) 3516131; or e-mail: patcruz@yahoo.com/cherlyadlawan@yahoo.com/aliciabartolome@yahoo.com.

-----

UST 10TH NATIONAL WRITERS WORKSHOP CALL FOR APPLICATIONS

The office of the Writer-in-Residence of the University of Santo Tomas is now accepting manuscripts for the 10th National Writers Workshop to be held this May at UST.

The annual workshop is open to writers who have not been awarded fellowships to any national writers workshop.

An applicant should submit three printed copies (on short bond paper ) and a CD or diskette containing soft copies in MS Word format of his or her manuscript (at least five poems or two fiction or non-fiction pieces in English or Filipino). He or she should submit a resumé, a 2x2 ID photo, and a certification duly signed by an institution/company senior that the manuscript is authentic.

Fifteen fellowships are available, a percentage of which will be given to the Dominican Network of Schools, Colleges and Universities . Deadline is on March 15, 2009. Interested parties may call 406-1611 loc. 8281 (Tuesday to Saturday) or e-mail aldimalanta@gmail.com for more details. Manuscripts should be mailed to Dr. Ophelia A. Dimalanta, UST Writer-in-Residence, ground floor, St. Raymund's Building (Commerce Building), University of Santo Tomas, España, Manila .

Friday, January 16, 2009

Linya

ni Brandon Dollente

Paano ka mauubusan ng salita? Sabi mo sa akin habang pinapanood ko ang usok mula sa iyong bibig, binabaluktot ng hangin, pinipiga ng sarili nitong gaan, iyan na siguro ang kabiguan ng isang makata. Ngunit ang totoo, hindi ko mapigilang mahalin ang katahimikan ngayon. Pakinggan mo, palihim na tumitibok ang langit. Pakinggan mo, nagmamakata sa kaniyang isip ang katabi mo sa bus. Pakinggan mo, puwang na lamang ang nakalatag sa aking dibdib. Isa muling hitit at tila nauupos tayong talinghaga at wala sa ating may sala, wala akong mahanap na salita. Nakaskas lamang ang ating lalamunan sa paghinga ng malalim. Alam mo, kung ano mang linya tungkol sa mga hungkag na puso ang naisulat ko noon - paano ba ako magpapaliwanag? Kung ano mang linya, wala na akong maituloy. Nais ko na munang malungkot, sabi ng isang kaibigan, at hindi ko siya naintindihan, at hindi ko naintindihan kung bakit ako sumang-ayon, tumayo at kumuha ng isang basong tubig at biglang may mga paninikip na hindi kayang lunurin. Napatitingin ka na rin sa malayo, di muna kita gagambalain.

Wednesday, January 7, 2009

Unang Isyu ng Marahil

Sana napapagawi ka pa rito.

Dahil naka-apat na buwan na tayong nagtatapatan dito sa marahil, maglalabas na tayo ng ating unang isyu. At narito ang mga kailangan mong gawin:

1. Pumili ng labing-isang gawa dito na nagustuhan mo talaga (ang pamantayan ay ang taste mo).
2. Ipadala sa brandon.dollente@gmail.com ang iyong listahan. Lagyan ng 1-3 pangungusap ng dahilan ang iyong mga napili.
3. Maghanda ng 50 pesos para sa printing, copying, at binding. (maaaring humigit pa, depende)

Ilalabas ko ang listahan ng mga napili bago matapos ang buwan. Sa mga mapipili, iparerebisa natin ang mga iyon sa mga makatang nagsulat. At tapos, diretso na sa paggawa ng isyu.

Lahat ng kasapi ng bagwisan (iyong nakatala pa sa mga Heights Folio) ay mabibigyan ng isang kopya. Ang mga manunulat ng mga tulang mapipili ay mabibigyan ng dalawa (para ipagmalaki sa iba).

Simpleng-simple lang. Aantayin ko ang mga e-mail ninyo.