Tuesday, May 12, 2009

Tang

ni Rachel Valencerina Marra

Isang puno ng mangga
ang aking palaruan
sa bakuran ni amang
sa Pangasinan.
Hinog na bunga
ang aking kabataan.
Minsan pumitas
ang hangin -
lumagapak.
Latak na kasama
sa huling patak
ng inuming handog
ng aking paslit na anak.

8 comments:

eejay said...

malaking tulong ang title para mapagana yung tula. hehe galing!

rachel said...

salamat eejay!

*di na uso ang magmakata, dahil ang uso ngayon ay ang pakikipagdiskurso! :D

pero mas maganda kung parehong uso di ba? digs? digs!

Anonymous said...

madulas sa poetic experience.

may lamat sa emosyon (at mabuti ito ... may espasyo para sabihing maaari kang sumali sa tula.)

-jc

rachel said...

salamat jc! :)

Anonymous said...

mejo di ako convinced sa metaphor, mapapag-isipan pa ito. at masyado ring mabilis, kung isang talata lang, hindi ko pa nananamnam sa isipan yung mga biglang-pihit tapos may kasunod kaagad. kumbaga, bigyang bisa ang katahimikan -chan

rachel said...

salamat chan! malaking tulong ang iyong komento. sige, ite-take note ko yan. :)

brandz said...

minsan nauuna ang reflection sa articulation, minsan naman baligtad tapos reflection uli, tapos ilang bote ng beer, tapos articulation. ang ibig kong sabihin, lagi ka dapat nakaback-pack, dala dala yung mga gusto mong sabihin.

rachel said...

salamat brandz. :)

andun nga siguro yung problema.