Monday, July 20, 2009

Tulang Nagwawakas Sa Hindi Natapos Dahil Ginabi Na Naman Ako

ni EJ Bagacina

Noong minsang gabihin ako
at iyong masumbatan sa kuwarto
ako nagkulong
at pilit na tumula
tungkol sa patay-
sinding ilaw-
poste sa tapat ng bintana

ngunit aking napag-isip-
isip hindi pala ako makatula

maliban kung sakay ng jeep
sa gabi
palagi akong binabagabag
ng bilis
ng mga pangyayari

ang mga alaala nag-uunahan
naggigitgitan sa aking gunita
nagsasalpukan
ang mga ilaw
ng sasakyan
ang bituin at buwan
sa kalawakan
ng mga salita
sa tulang aking kinakatha
habang nakaupo sa isang sulok
nagmamasid sa paligid
nagtataka
kung meron ding nagmamakata
na katabi

ngunit gaya ng ilang sasakyang nasiraan
sa daan laging maiiwan
na nakatirik
ang mga linya
sa aking isip tila naghihintay
na maisapapel
pagdating sa bahay ito

ang pasalubong ko sa iyo
isang tula
hindi natapos
dahil ginabi na naman ako.

15 comments:

Anonymous said...

ang saya ng tula. kasi narinig ko sa open mic eh.

maganda ang pagkakagamit ng mga salita. digs na digs ko.

brandz said...

balikan mo 'yung kuwadro numero uno. hindi ko alam kung bakit 'yun 'yung comment ko, pero masarap siyang basahin uli, matapos kang makapagsulat ng ganitong tula. (at kung ano 'yung 'ganito' di ko rin alam)

EJ said...

naguguluhan ako brandz, bakit sa dinami-rami ng poetry collections kuwadro numero uno pa? siyempre may dahilan yan di ba, anong 'ganito'? cge naaaaa haha. pero sige babasahin ko ulit. :D

Geneve Guyano said...

agree ako kay pyrotechnics.

minus nung first sentence.

brandz said...

basta.

Anonymous said...

Kung breathing ang proyekto ng tula, sa tingin ko, mahalagang tingnan kung paanong makokontrol ng makata ang istruktura, bisa (line power at metrics), at imahen at sensibilidad (sa bawat linya). Ayon kay Peter Davidson, sa kanyang koleksyong The Breathing Room, mahalagang isaalang-alang ang unity ng mga elementong nabanggit. May napansin ako sa Kuwadro Numero Uno na lalagom sa consistency ng breathing, imahen, at bisa --simple lines. Mas madaling makontrol ang maamong linya, ang simpleng linya. -JC

PS: Sabi ni EJ, i-post ko ito.

Miles said...

Simple ang mga salitang ginamit pero may talab.

Nagustuhan ko ang daloy ng mga imahen. Epektibo ang mga line cut.

Yay~

eejay said...

hmm gaano kaepektibo ang epektibo? kasi,hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung usapin tungkol sa simpleng linya at line cuts. ang habol ko nga rito e yung paghinga. na akala ko makakatulong yung mga line cuts. pero binabasa ko ulit, parang overkill ang ibang line cuts. miles, di ba nakita mo yung original nito wala pa kong ginawang line cuts dun? kapag sinabi kong overkill nasa isip ko parang hinati ko talaga yung mga linya literally, winasak, pinatay ganun. yung iba lang naman hindi lahat.

brandz said...

panira naman si JC sa pagka-mysterious ko o. tama, 'yun 'yung ibig kong sabihin. :D pero mas magandang ma-realize mo 'yun sa tunay na pakikipagtalastasan sa mga tulang me ganoong talab. kesa sabihin ko sa'yo. alam ko kasing makukuha mo rin 'yun, but the experience is all worth it. :D

Anonymous said...

bra
n
(don)
pa ni ra

sensibility of line over breathing. sa tingin ko, patterns (eg linecuts) should be subtle. obvious patterns, most likely are erratic hence hindering the poetic experience. -jc

(andito rin si rachel: saka na ako magkukomento :3)

Miles said...

Binasa ko ulit ang tula ng malakas dito. Hindi pilit ang dating ng line cuts para sa akin, EJ. Kasi stream of consciousness ang dating ng tula dahil sa mga line cut, kaya ko nasabing epektibo ito.

Sa palagay ko, nabigyan ng pisikal na manifestation ng mga line cut ang pagiging marami ng mga ideyang pumapasok sa utak ng persona habang pauwi siya sa bahay, pati na ang kawalang kakayahan niyang maisulat ang mga ito dahil ang ephemeral nga nila.

(Mali ba ako ng pagkakaintindi? Baka naman iba ang gustong iparating si Boss EJ. hehe~)

brandz said...

tena, boss na ngayon si ej. kekeke.

eejay said...

boss ka nga, kaso wala namang pera.

Miles said...

E Boss ka parin. Haha wasak~

Anonymous said...

agree to m[h]iles. may pagka-stream of consciousness. i don't hear an overkill. at siyempre iba na rin kasi ang naging hatol ko dahil binasa na ang tula noong GA.

ok lang yan boss, love naman kita. hahaha.

:D