Sunday, August 23, 2009

Heto ang Isang Tula

ni Rachel Valencerina Marra


tanggapin mo
at pitasin

na tila mga talulot
ang bawat taludtod.

At iyong malalaman
na hindi mo mag-isang lilipunin

ang mga nagkalat na salita.


2 comments:

brandz said...

Dahil malay ang tula sa kaniyang pagiging tula, nagiging kongkreto ang tingin ng mambabasa sa mga bahagi nito at kung paano kinakarga ng anyo ang nilalaman. Paano nga ba?

Monching said...

Hindi ko masydong nararamdaman ang presensiya ng "other" dito. Baka nga mahirap gawing akma ang anyo ng tula (dahil nga malay ito sa pagiging tula) at ang tinatalakay nito. Para sa akin lang 'to. Hindi nagiging mabigat ang mga linya dahil sa pagiging "authoritative" o mapag-utos ang tono, sa pangunahing linya pa lamang. The imperative tone undermines the reader's need to act. Ano sa tingin ninyo? - Monching :)