Binabanlawan ng isang deboto
ang nasagip na santong rebulto.
Mula sa umaagos na tubig sa alulod,
tila hinuhugasan niya ang karumihan
nitong nagsaputik. Binihisan
ng mga naisalbang damit ng anak.
Tila kinakausap niya ito at tinatanong.
Ngunit estatwa lamang itong nakatitig
sa kawalan. Hindi marinig
ang boses ng nawalan.
6 comments:
Nakaluluray 'to, sa mabuting paraan naman.
Walang pa ring tatalo kay Orlino sa husay ng pagkatha at paghuli sa hiwagang iilan lamang ang nakabibisig.
-jc
Tama. Tama. Hanga rin ako kay Mike. :D
Isang komento lang:
"Ngunit estatwa lamang itong nakatitig
sa kawalan."
Baka magagawan ng paraan na hindi ito sabihin sa mambabasa kundi iparanas. Alam mo na 'yun.
Brandz, may sagot na ako sa "Marahil" bilang "Marahil". Waring sumapol sa akin tulad kung paano sumapol kay J. Keats ang "Negative Capability." Sabi ni Harold Bloom, si Aristophanes ang diyos; sa tingin ko, si Harold Bloom ay propeta at si Keats ang diyos (dahil napaanib ako sa paniniwala kay Keats dahil sa sanaysay ni Harold Bloom tungkol kay Keats).
Pareho tayo ng punto kay Mike, pero sa ngayon, muli kong tinatanong, alinsunod sa punto ni Keats kung sapat ang ginawa ni Mike.
-jc
e, kung tanggalin na lang yung "sa kawalan"
pero hindi e. malakas yung dating ng kawalan-nawalan epek di ba. ok lang na isacrifice yung show don't tell rule para sa akin.
hindi ito usapin ng show don't tell, ej, kundi let me enter don't take a photo of your house and place it on your door.
kekeke.
Kay JC: kailan ba magiging sapat?
Post a Comment