Thursday, August 12, 2010

overpass

ni Paolo Tiausas

malayo ang pagitan
ng dalawang babaan
sa isang overpass.

kanina lamang, pilit kitang hinahanap
sa puwang ng mga hakbang
ng inaakyat kong hagdan.

nakatawid at nakababa na ako
bago ka matagpuan
sa dakong pinanggalingan.

nagtaka pa ako kung bakit
walang tawiran.

habang buháy ang kalyeng namamagitan
sa ating dalawa, laging may maiiwang
ako sa kabila.

8 comments:

monching said...

bagong post Pao!

bakit parang emo ka ngayon?

di ko magagap ang huling dalawang saknong. :D anong lohika ang sinusundan mo rito? mula sa tutok mong paglalahad sa overpass, naging personal ito sa huling dalawang saknong. Kailangan mo bang lagyan ito ng insight sa huli? insight in itself ang paglalahad mo sa simula, para sa akin. :D

Mabuhay!

Anonymous said...

Parang iyon nga rin ang naging problema ko nung naisip ko to. Insight na sa simula, insight pa sa huli. Pero dahil hindi ko alam paano tapusin ang tula, (pakiramdam ko sobrang bitin pag natapos sa ikatlong saknong) napilitan akong idagdag ang dalawang huling saknong para "mapuno" ang tula.

Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin paano ba dapat ayusin ang huling mga saknong na iyan. D:

-Pao

(maraming salamat!)

Anonymous said...

ako naman, naisip ko at feeling ko lang magandang tunguhin: itinatawid mo ba itong dalawang insights? kasi kung ganoon, mas magandang i-explore. para sa akin lang naman.

brandz said...

hi pao. pa-epal a. :)

sa tingin ko, bukod sa problema ng lokasyon ng insight, mas kailangang pansinin ang mismong paglalahad nito.

kasi, kung ganoon, parang lumalabas na tanggalin mo man ang buong tula at iwan lang ang huling saknong, walang mababago.

mas maganda kung iisa ang tula at insight. at i-extend pa natin, iisa ang tula at mga imahen, iisa ang tula at lahat ng gusto mong sabihin.

bukod sa addendum.

sulat pa!

Monching said...

yeeee para kanino ka ito, pao? :D

Anonymous said...

mga kaibigan,

pagkatapos ng matagal na pag-iisip (naks pinag-isipan talaga), naramdaman ko na ring kailangan ko gawing iisa ang imahe na gusto kong gamitin. naging "clingy" siguro ako sa isang part na nasulat (huhu) kaya nahirapan ako sa pag-ayos sa kanya.

sobrang salamat sa mga nagkumento!

at monch, wala na yan. haha!

-Pao

Monching said...

sus naman haha. heightser ba siya?

- monching

Anonymous said...

bat ngayon ko lang to nabasa????
:-bd -ej