Thursday, December 16, 2010

profile pic

ni Paolo Tiausas

binago ko ang aking mukha
para sa kapakanan nila.

isinantabi muna: luha
mula sa magang mga mata

dulot ng pagmamakaawa
sa mga taong tulad nila.

silang mga nagtitiwala
sa mga taong humuhusga:

ayon sa kanilang bunganga,
may mga karapatan sila.


dahil wala silang kilala:


ngiti na para sa camera.

3 comments:

brandz said...

hindi ko pa alam kung saan ako kakapit sa tulang ito. maaaring kasi puro panghalip. o kaya naman baka mas puwede pang magsiwalat sa pamagat. o baka ako lang yun

Anonymous said...

kung panghalip din naman ang titingnan, mahirap kapain ang 4th - 5th stanza. napapahinto ako doon eh.

Anonymous said...

napansin ko ang accidental rhymes mo't nakita ko naman ang pagkakasalansan nito sa isip ng persona: naiipon ang lahat at nagtatapos sa pagbabago. maganda ang nakukuha kong pagbabasa subalit para over reading na dahil hindi tumatagos sa isang wikang lumulusong sa penomena ng dramatikong sitwasyon ang akda.

napansin ko rin ang huling dalawang saknong. project mo ba ang tanggalin ang unang linya nitong dalawang saknong?

tama si brandz noong sinabi niyang nakaapekto sa isang nakalilitong paraan ang mga panghalip, pero ito yung sa tingin ko'y "Das Man," o "The They," subalit hindi ito lumitaw sa akda.

Like/Dislike ko ang huling linya dahil napakabigat nito. Basahin mo si Derrida para nito (patawad, hindi ko naaalala ang libro) dahil sinasabi niyang walang impromptu, walang organic (my addition). Laging istrukturang nakaambang ang pagguho ang lahat ng katha ng tao dahil, bilang self-correcting persons of art, pumapasok tayong may nakatuon nang mata sa atin.

Sorry kung mahaba. I miss doing this. :-)

- monching