May pagtalikod lamang at muling pagharap ang bati ng isang araw balang araw magpapaalam ang araw sa lawa mananalamin hanggang sa mawala
Ang lawa sa pagkagat-dilim ay mga ladlad na pakpak ng paruparong itim sa mga unat na hita ng tinatanaw kong kalangitan nilalagom ng karimlan ang takipsilim ang panata ng kamatayan ay ang pagpikit
Ng mga labi ng mga labing mahimbing na naglalamay tulad ng nag-aalab
Na bituing aantabay hanggang sa walang-hanggang
Bukang-liwayway
Tala: Halaw sa tulang Laging Huli ang Tula ng Makata ni Sunico ang mga linyang hilis.
2 comments:
ayos, parang electric fan. compliment 'yan isipin mo kung bakita. hehe.
salamat brandz, (s)alamat. -jc
Post a Comment