ni Ej Bagacina
Mahigit-kumulang dalawang oras na biyahe galing sa eskuwela, isang sakay ng tren, maghahanap ng kakilala o mananahimik sa isang sulok, mga libro ng tulang pampalipas oras, bababa sa Santolan station, fishball, kalamares, kikiam- sige kain lang habang nag-aabang ng dyip sa ilalim ng footbridge, isang sakay ng dyip na patok, 21 pesos na pamasahe, 18 pesos 'pag estudyante, bayad ho, Simbahan, estudyante lang, madalas nakatingin sa malayo, mga ilaw-posteng walang ilaw, pipiliting magmakata, hampas ng hangin sa mukha, pull the string to stop, isang mahaba-habang lakaran hanggang sa terminal ng tricycle, amoy ng french fries ng mcdo, saglit na maaawa sa taong grasa sa tabi, magkukrus pagdaan ng simbahan, sampaguita at iba pang bulaklak, gulay, karne at ang malansang amoy ng isda sa palengke, mahabang pila sa terminal, isang sakay na naka-backride sa tricycle, namamagang buwan at mga napupunding bituin sa kalangitan, titigil sa itim na gate, nananabik na kahol ni bantay, hahanapin sa bag ang susi ng bahay, didiretso sa kuwarto, sa lamesa, magkapatung-patong na libro, may nakaipit pang litrato sa isa, maghuhubad ng amoy-usok na damit, bubuksan ang bintana, hihiga sa kama, ipipikit ang mga...
...
...tatlong taon na rin akong naglalakbay
sa lungsod. tatlong taon ng pagsasanay
umuwi. ngunit, kung kailan alam na
alam ko na ang daan, mahal,
isang araw, bigla mo akong iniligaw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
pakatay naman mga tsong
Balarila. Lagi't laging balarila ang aking pupunahin.
Saka, sa tingin ko Ka, may pagpipilit sa damdamin (totoo bang nanabik ka kay bantay?). Ginagambala ako ng maliliit na detalye. May ritmo na kasi, may thesis; kaya maliliit na detalye ang pupukaw sa mambabasa. Pagkat sa maliliit na detalye nabubuhay ang katha. Mag-ingat ka Ka.
-jc
nananabik si bantay, jc, pakibasa na lang ulit haha.
hmmm, bukod sa balarila? ang sa akin kasi, madali na lang ayusin yun lalo na pag pina-proof read na sa iba.
gusto kong mas pag-usapan yung pagpipilit sa damdamin. totoo ba? hmmmm..
salamat 3x
ay Ka! misreading ako. parang chingbee sanaysay. tama yan, ayon kay mary oliver. oo may pilit kasing pagpihit at pagtulak ng chronolgy para magkaroon ng tension. pero para sa akin, conventional, kung gayon ang insight lang ang bago. ang form hindi. e kung CNK ito, masgusto kong makita ang form kaysa insight dahil granted na ang insight.
(bias lang ba.)
-jc
eto yung freewrite, kasunod na yung pagiging deliberate.
Post a Comment