ni Japhet
Kanina lamang nananalamin ang nanlalaking buwan,
lubog ang liwanag nito sa laway ng lawa.
Ngayon naman sa dalampasigan,
nagkakawayan ang mga kawayan sa kawayanan—
paroo’t-parito ang amihan.
Animo’y may bulung-bulungan.
Sa ilang sandali, sisikat ang araw.
Mahahamugan ang paligid.
Mababasa ang lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
May naalala akong tula rito. Tone-wise: mahusay. May disruption sa pagtatapos. Ang disruption na hindi maintindihan/ ang disruption sa katahimikan. Mag-ingat, balarila. Imahen, utterance --ano sa tingin mo ang mas matimbang sa pagtatapos?
-jc
ayos sa tone. ang concern ko lang talaga dito e kung ano ba talaga ang intention ng tula. -ej
maganda yung aliterasyon, nalalasap ko sa dila yung mga pahayag, (gusto ko yung 4th line), at masarap pakinggan. para talaga akong nasa gubat. altho may mga images lang na problematiko ("laway ng lawa"). mukang off sakin yung importance ng time konteks ("kanina lamang", "ngayon", "sa ilang sandali"). mainam na tanggalin, pero itira yung "sa ilang sandali" sa 3rd line form last. para lahat nasa present, mas may bigat yung "sa ilang sandali", sa paparating. -chan
salamat sa mga komento.
chan, buti na lang nabanggit mo ang mga yan. erotisismo kasi ang proyekto ko sa tulang ito kaya kailangan kong gamitin ang "laway ng lawa", ang laway bilang isang metonymy.
may problema ako dito dahil kung erotika nga ito, nagkakaroon ng mixed metaphor. kaya nilagyan ko ng time context upang magbigay daan sa bagong metaphor.
kaya may dalawang tanong ako sa inyo:
1. sapat ba ang mga ibinigay kong symbol (laway, basa, nanlalaki, etc...) upang mapansin ang erotisismo?
2. kung sapat nga, gumana ba ang mix metaphors? (may mga akda kasing kahit na may mix metaphor ay maganda pa rin)
salamat
kailangan kasi maging malinaw muna ang mga imahen. noong binasa ko ito, wala akong nakuhang pahiwatig ng erostisismo kasi ang tuon ng pansin ko, yung mga imahen. kailangan hindi lang yung salita yung magtitrigger nun, sa tingin ko. sa imahen din. kaya para sa akin, hindi rin sapat yung salitang "nanlalaki" sa simula para ipahiwatig ang erotisismo. at noong inentertain ko yung thought na yun (noong binasa ko ulit ngayon), parang hindi naman ako grinant ng tula. kailangang gitlain ako sa first line pa lamang na may erotisismo (isang pwersa ito upang ipagpatuloy ang pagbabasa sa tula) nga yung tula. ewan, wag mo rin akong paniwalaan, ikonsulta mo rin sa iba. hehe labo -chan
dahil may libre akong oras, makikitambay na rin ako:
tama si chan sa kaniyang mga punto, huwag mo siya hayaang magduda. balikan natin:
1. imahen - lagi naman talagang sa literal level magsisimula, unless na lang kung ibang (iba a, hindi ko sinasabing nakaangat) ang gusto mo gawing atake. kung ganoon nga - na parang di naman - maglublob ka muna sa research ukol sa ibang atakeng hindi nakaangkla sa imahen.
marahil nalito ka na. ang ibig ko lang sabihin, kung gagamit ka ng imahen, paganahin mo sa literal level at kung talagang mainam ang pagkakagamit, lilipad siya ng kusa.
2. dalawa yan, minsan malinaw sa atin ang intensyon habang sinusulat natin yung tula, minsan naman, hindi. kung malinaw, ayos yun, kung hindi ayos lang din naman.
ang ibig kong sabihin, buhay ang tula, lagi mong gagawing dayalogo ang pakikitungo mo sa tula. para enriching din para sa 'yo.
3. miss ko na kayo.
gusto ko to: "lilipad siya ng kusa" at "buhay ang tula, lagi mong gagawing dayalogo ang pakikitungo mo sa tula" -chan
Sumasang-ayon ako kay brandz. Hindi naging erotic o sensual noong nabasa ko siya. Siguro naging masyadong malakas ang pagiging mapayapa ng mga imahen mo; kumbaga walang sulong at urong (image-wise and tone-wise, ang lambot... sa tingin ko malaki ang impact nung third stanza galing sa last line ng ikalawa). Sa huling linya ko lang natanto na maaari ngang erotiko – ngunit may kulang.
Sa akin lang ito, pero kapag erotic poem, napansin ko na parang sex siya. Mahaplos ang simula, painit nang painit sa gitna (at puwede mong putulin dito, ngunit...), at siguraduhin mong 100% satisfaction guaranteed sa huli. Don't hold back! Release it all! Wahaha. 'Yun lang naman ang sa akin.
At sa tingin ko hindi tama grammar-wise ang paroo't-parito (paggamit gitling matapos ang kuwit, parang iba't iba o iba-iba, ngunit hindi iba't-iba).
Notwithstanding, masarap basahin. Malamig (paroo't parito ang amihan...
animo'y may bulung-bulungan.)
Post a Comment