nina JC Casimiro, Brandon Dollente, Japhet Calupitan, Rachel Marra at EJ bagacina
Habang tinitiklop ng kamatayan
ang isang dahon, umuungol ang
tangkay ng usal. Nagdarasal
sa saliw ng hangin. Buhay ang
agos ng tubig sa bukal. Nauuhaw
sa tenga ng dahon ang lupa.
Kung bakit tinatabunan
ng sanlaksang pagtiklop.
Walang nakaaalam
liban sa isang dahon
na tinangay ng hangin. Napadpad,
parang tinig ng huling awit,
pinag-iimbay ang tubig at hangin,
ang lupa at apoy
sa nanlalamig mong palad.
Saturday, May 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
mas marami pa sanang ganito. renga tayo dito sa marahil tara.
weak para sa akin yung first line. hindi ko maimagine. nagsanib ang concrete at abstract, la lang - chan
tama si chan. dapat nga mas gumana pa ito kung may tesis o imaheng konkreto. maaari rin ang isang familyar na pangyayari o salitang di na nangangailangan ng explanation (e.g. misa). -jc
sori na sir.
Post a Comment