Saturday, August 1, 2009

UMALIS KAMI SA ALAPAAP

ni EJ Bagacina


kipkip ka sa alaala
umalis kami

sa alapaap kipkip ka sa alaala

umalis kami

sa alapaap kipkip ka
sa alaala umalis ka-
mi sa alapaap kipkip ka

(sa) alaala umalis ka-
mi sa alapaap

kipkip ka sa alaala

10 comments:

Anonymous said...

parang yung "cadena de amor."

- Monching

Miles said...

May bias ako sa tulang ito dahil pinagsama mo ang dalawa sa mga paborito kong salita, ang kipkip at alaala.

rachel said...

uy may binago ka. :)

nagi-stand alone itong tulang ito (considering na may pinanggalingan itong ehersisyo). napakagandang halimbawa ito ng paglalaro sa linya at katahimikan. (sa anong salita nga pala nanggaling ang lahat ng ito? naiinggit ako haha, ang haba nito kumpara sa nagawa ko. dinibdib mo talaga e.)

paborito ko yung line cut sa 4th na saknong (ka-/mi), subalit hindi ata nakatulong na inulit mo uli ito sa 5th na saknong.

pero alam mo namang mahal ko 'tong proyekto mo. sabi ko nga, "shet ka, ej."

:D

eejay said...

kumislap :D

salamat rachel idol ka talaga. da best yung puna mo ha. iniisip ko pa nga kung paano isasalba yung 5th stanza e. hehe tnx tnx!

miles, yung alapaap? gusto mo bang... sumama? pappaparapapa2x haha!

monching, knock knock.
who's there? cadena. cadena who?

Dale a tu cuerpo alegria Macadena
Que tu cuerpo es pa' darle alegria y cosa buena
Dale a tu cuerpo alegria, Macadena
Heeeeeeeeeeey!! Macadena!!! ahoo!

Miles said...

Haha. Sige na nga. Paborito ko narin ang alapaap simula ngayon.
Papaparapapa~

Tama si Rachel. Mahusay to, kaya shet ka nga Eej. haha.

Pepito said...

gustong-gusto ko yung ka/mi line cut.

paano kung

sa alaala umalis kami

sa alapaap
kipkip ka sa alaala

pero syempre may nagbago. puna lang naman. :)

brandz said...

kung alam mo na, hindi ko na sasabihin sa 'yo.

mukhang masaya workshop a.

rachel said...

ngayon ko lang napagtanto, ang tindi pala ng 5th na saknong (alaala umalis ka-). at tama si pepito, malaki ang magiging pagkakaiba kung gagalawin pa. kung ganun parang ok na rin.

brandz! oo masaya haha.

EJ said...

salamat sa mga comments at suggestion!

eto yung revision ko:


UMALIS KAMI SA ALAPAAP

kipkip ka sa alaala
umalis kami

sa alapaap kipkip ka sa alaala

umalis kami

sa alapaap kipkip ka
sa alaala umalis ka-
mi sa alapaap kipkip ka

(sa) alaala umalis ka-

mi sa alapaap
kipkip ka sa alaala

rachel said...

yes naman, ej. di bumibitiw. sinusunod mo talaga payo ng spongecola.

sa huli lang naman nabago di ba? ang galing. tingin ko maayos naman ang pagsasalba. :)