ni Mike Orlino
Sa tuwing babayuin ng ulan ang butas na bubungan
Nagkakandahulog-hulog ang mga kinalawang
Na yero’t takot. Niliglig ng unos hindi lang ang dingding
Na tinagpian ng ilang pirasong lawanit at kawayan,
Kundi ang dibdib na pinakuan ng iilang pangako. Kikiling-
Kiling ang mga posteng inanay ng kahirapan. Singdilim
Ng gabi ang rumaragasang tubig ng estero. Kung mayroon
Lang makakapitan bukod sa tapang. Kung may darating
Mang tagapagligtas at maglalakad sa gitna ng baha, nilulon,
Na marahil siya kanina pa ng nagngangalit na alon.
Iempake ang gulanit na damit, isampa sa inaamag na tabla,
Gawing balsa habang nagpapatianod ang malay sa daluyong.
Bukas iiwang bangkay ang pira-pirasong bahay at basura.
Wala, walang naisalba kahit gusgusing pag-asa.
Saturday, April 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
subok lang pow, hehe.
-mike
babayuhin! para mas may hinga. :D
mike, di ata tugma ang mga taludtod
- monching
tugmaan siya kaibig pero iba ang pattern.
oo nga no. mahinang tugmaan ang ginamit ni mike. pero nawala bigla sa huli.
mali ako. may tugma pala.
- monching
Post a Comment