Thursday, May 14, 2009

Kung bakit ayaw nating pag-usapan ang pagkahulog

ni EJ Bagacina


Palalim nang palalim
ang walang hanggan

na dilim nang bigla kang magising
sa tunog ng nahulog

na porselana. Binabasag
ng iyong paghinga

ang katahimikan sa kalawakan.
Ang durog na buwan. Pinulot mo

ang nagsabog na bubog
sa iyong paanan. Dumaplis

sa iyong isipan: paano pa mabubuo
ang pira-pirasong puso?

7 comments:

rachel said...

"at sino ang nakatabig sa iyong babasaging puso?"
- stat ni xander 'yan

naglalaro ka rin sa mga line cuts ha. magaling. :)

EJ said...

emo naman ni xander. hehehe //_O

marami pa kong gustong malaman. hehe salamat! :D

Anonymous said...

maganda ang line cuts nito! okay na sakin yung simula, mejo nasablayan lang ako sa last two lines -chan

Anonymous said...

ichecheck ko yan! salamat chan! -ej

brandz said...

baka kasi hindi pa tapos. baka lang.

Pepito said...

Pira-piraso ang nadurog na puso, ngunit magkakasinlaki(? tulong!) naman ang mga bubog.

Ang sarap nung line cuts. :D Ngunit parang gustong kumawala ng huling stanza, na hindi dapat ito buo, na baka dapat pagpira-pirasuhin pa, na para bang tinadtad sa mortar and pestle.

EJ said...

hindi pa kasi ako nakakakita ng pira-pirasong puso. haha. kayo ba?