ni EJ Bagacina
Palalim nang palalim
ang walang hanggan
na dilim nang bigla kang magising
sa tunog ng nahulog
na porselana. Binabasag
ng iyong paghinga
ang katahimikan sa kalawakan.
Ang durog na buwan. Pinulot mo
ang nagsabog na bubog
sa iyong paanan. Dumaplis
sa iyong isipan: paano pa mabubuo
ang pira-pirasong puso?
Thursday, May 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
"at sino ang nakatabig sa iyong babasaging puso?"
- stat ni xander 'yan
naglalaro ka rin sa mga line cuts ha. magaling. :)
emo naman ni xander. hehehe //_O
marami pa kong gustong malaman. hehe salamat! :D
maganda ang line cuts nito! okay na sakin yung simula, mejo nasablayan lang ako sa last two lines -chan
ichecheck ko yan! salamat chan! -ej
baka kasi hindi pa tapos. baka lang.
Pira-piraso ang nadurog na puso, ngunit magkakasinlaki(? tulong!) naman ang mga bubog.
Ang sarap nung line cuts. :D Ngunit parang gustong kumawala ng huling stanza, na hindi dapat ito buo, na baka dapat pagpira-pirasuhin pa, na para bang tinadtad sa mortar and pestle.
hindi pa kasi ako nakakakita ng pira-pirasong puso. haha. kayo ba?
Post a Comment