Monday, February 2, 2009

Soli

ni Angelique Detaunan

Malaya mong ibinulong
Sa tainga ko noon,
"mahal na mahal kita."

Pilit kong ibinulong
Sa labi mo ngayon,
"mahal na mahal kita."

Ang mga halik,
Akin nang ibinabalik.

1 comment:

Anonymous said...

Hindi ko rin alam: soli ba o sauli o puwede ba pareho?