Monday, June 8, 2009

oda sa mga hangganan

ni mike orlino

Linya lamang ang mamamagitan
sa atin. "Tingnan mo,hanggang

dito na lamang tayo." Linyang iginuhit
mo sa buhanginan. mga guhit

na nagtatakda sa ating
mga hangganan. Heto ang linya

ng aking mga tula. Tungkol
sa hangganan ng mga hangganan.

1 comment:

brandz said...

ano nga ulit ang oda? baka magandang balikan muna yung mike.