Monday, January 25, 2010

Ang Dalawang Disipulo

ni JC Casimiro

Sa pueblo winika nila ang hindi mawiwika
ng mesias, “Sa ngalan ni Hesus

lumayas ka
sa katawan ng taong iyan!”

Anong pagkagitla ng lahat nang makitang
walang naganap.

Napatingin ang dalawang disipulo
sa isa’t isa.

Hindi sumasapat ang sariling
salita.

7 comments:

monching said...

hmmm... disconcerting

brandz said...

tinatanong na sa 'kin ng theo dept yung cell no. mo. :D

Anonymous said...

Uy magcomment naman kayo tungkol sa technicalities ng tula. Haha. Salamat. -jc

monching said...

hindi kasi ako mawari rito jc. displaced ako, ngunit 'di ko alam kung magandang bagay ito o hindi. may tinataya ako ang tula, ngunit pakiramdam ko may ibang ibig pa itong iparating.

Pepito said...

Napakaganda ng balintuna ng unang dalawang saknong.

Lalo akong natuwa sa ikatlong saknong. 'Makita' ang ginamit mong pandiwa. Lumalabas dito ang tema ng 'to see is to believe', at ilang ulit na ba itong nangyari sa bibliya? (Marahil si Tomas ang isang disipulo; sino pa ba ang isa?)

Bali ganito yung nakikita kong structure: Wika, Paningin (lack), Paningin, Wika (lack).

Structure-wise, nakatutuwa. Maganda ang pagpasok ng ikaapat na saknong; naghahanap ang dalawang disipulo ng affirmation of reality (recall: to see is to believe), dahil mismo sa failure ng wika na gumawa ng reality ('walang naganap').

Maaari kayang hindi rin sumasapat ang sariling salita ng tagapagsalaysay? Dahil bukod sa dalawang disipulo, ang tagapagsalaysay lang ang isa pang 'sarili' na nagsasalita sa tula. Kung ganito nga, maaaring may notion ng failure of language to capture reality, and by implication, to 'bring forth' reality. Babalik na naman tayo sa 'to see is to believe' (isipin: concert ng paborito mong banda: panonoorin mo o ipakukuwento mo na lang?).

Litaw naman na may partiality sa paningin vs wika. At sa tingin ko litaw rin ito sa structure ng wika-paningin.

Ikaw na bahala kung may makita ka pang weakness. Wala pa ako sa nibel na kung saan maaari akong magbigay ng puna sa technicality ng ganitong klaseng tula.

brandz said...

isang point na mukhang masarap ibato at pagdiskursuhan, sa "technicalities"ng tula a, hindi sa tula.

Conclusion ba ang huling stanza?

Anonymous said...

Gusto ko yung sinasabi ng tula tungkol sa 'reality' and 'perception'. "Anong pagkagitla ng lahat nang makitang/walang naganap". Kung paano hindi ibinigay sa mga naroon ang inaasahang mangyari. Sa tingin ko, napakahalaga ng 'gesture' na ito sapagkat ipinahihiwatig nito ang buod ng himala: nagiging himala ang himala sa pagkahindi-inaasahan ng pangyayari. At sa panahon kung kailan/saan laganap ang mga himala ni Hesus, ano pa nga ba ang 'himala'?

Ngunit may problema lamang ako sa boses ng nagsasalita. Sa tingin ko hindi nakatulong ang pagiging tunog biblical passage ng tula (tahimik at matiwasay) na parang lumalabas na demonstration lamang ang lahat. Minsan minsan, masarap palayain ang mambabasa sa Bibliya bagamat hiram sa bibliya ang isang eksena. Masarap kilalanin muli ang mga salimuot mula sa ibang 'mata'.

Gusto kong manahan o magtagal pa sa tagpo nang pagwasiwas ng kamay ng dalawang mesias nang "wikain" nila "Sa ngalan ni Hesus//lumayas ka sa katawan ng taong iyan".

Mga kamay na tanging naiwang totoo, mga kamay ng katawang-lupang iba (isang matinding realisasyon)sa katawang-lupa ni Hesus.

Maaari ring pansinin Ang pagiging kalkulado ng paglalabas ng detalye sa tula, kung paano ito nakatulong o nakasagabal. Sa ngayon, iniisip ko na hindi ito nakatulong marahil bunga ng maling order ng pagsisiwalat. sa kalagitnaan may pakiramdam sa mangyayari sa dulo kung kaya, hindi ako nakabahagi (o hindi ko naramdaman) sa himala, sa inaasahang hindi mangyari. Sapagkat alam ko namang hindi makapaghihimala ang dalawang disipulo?

gusto ko rin magtapos ang tula sa tinginan ng dalawang disipulo. Sa tingin ko napakahiwaga ng titigan ng dalawang taong 'nabitag'. dalawang salaming magkaharap at imahen ng pinakatahimik na pag-uusap. pagpapaniwalaan ng dalawang sarili.

-chan