Friday, May 14, 2010

Bombilya

ni Nicko Caluya


Hayaang magliwanag
at nagkaroon ng liwanag

ang malalang alaala

ng mga sandaling hinihintay
bago maramdaman ang paghinga

at sa wakas ay mahawakan

ang mga kamay. Mahigpit
mang nagtitimpi

ang pagmasdan kahit anino

ng katawan o kung anong hugis
sa manipis na tela. Tumatagos

patungo sa kaloob-looban

ang hindi maipaliwanag na
pagsabog.

1 comment:

Anonymous said...

mahirap itong hawakan. linawin mo pa. :)

- monch