ni Lester Abuel
Ginawa tayong baterya ng sistema
na nagpagagalaw sa atin. Katawan,
ang mismong puhunan sa paggawa,
ang ginagamit na lakas [2] ng mga Makina
sa pagkilos ng Kanilang lipunan.
Wala na kasing silbi ang paggawa ng tao
para sa Kanila. Sanhi na lamang tayo ng lakas
dahil wala nang nagbibigay-liwanag—
taklob na kasi ang araw ng alimuom
dahil abo na ang kabihasnan. Tanging
Makina na lamang natirang gumagana.
Wala kasi Silang ginagawa kundi sundin ang sistema.
--------
[1] Ang pelikulang “The Matrix” ang ispesipikong tinutukoy rito, ngunit maaari rin itong basahin bilang orihinal na kahulugan ng “matrix”
[2] Init ng araw ang pinanggagalingan ng lakas ng mga makina sa pelikulang “The Matrix.” Nang matakluban ang araw dahil sa digmaang Tao at Makina, ginamit ng mga Makina ang katawan ng tao bilang sanhi ng kanilang lakas.
Sunday, September 11, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Digs ko 'to.
Naaalala ko tuloy 'yung nabanggit ni Sir Adam David sa workshop niyo, 'yung tungkol sa fan poetry! Ang challenge lang siguro dito: pagkatapos mo i-translate sa tula ang pinanggalingan na ideya [The Matrix], paano mo tatakasan ang pagkaclassify sa "retelling"?
Baka kasi, ang tanungin ng mga tao, ano ba ang bago dito, anong bago niyang sinasabi tungkol sa pelikula, hindi ba't kinekwento lang nito ang nangyari na sa pelikula. :)
at teka, paano nga pala ulit 'yung taklob na ang araw ng alimuom?
unang post mo rin pala to, Lester! (ATA)
Sulat lang nang sulat! :)
-Pao
Post a Comment