ni Eugene Soyosa
Pagpunyal sa iyong yungib,
ikaw ay napapikit.
Umaalimuom
ang laway mula sa iyong bibig.
Sunday, October 19, 2008
Saturday, October 18, 2008
Paggising ko
ni Rachel Valencerina Marra
Isa ka na lamang hubog sa aking tabi.
At sa pagpatag ng iyong hinigaan
ang alaala mo ay gumaan
tulad ng ilang hibla ng iyong buhok
na nananatiling himbing -
at di na magigising -
sa kalawakan ng aking kama.
Isa ka na lamang hubog sa aking tabi.
At sa pagpatag ng iyong hinigaan
ang alaala mo ay gumaan
tulad ng ilang hibla ng iyong buhok
na nananatiling himbing -
at di na magigising -
sa kalawakan ng aking kama.
Tuesday, October 14, 2008
Kay Estela
ni Ej Bagacina
"UMAANDAP-ANDAP NA ILAW-POSTE:
Huwag nating pag-usapan ang kamatayan."
Mikael Co, Liham
Huwag nating pag-usapan ang kamatayan."
Mikael Co, Liham
Nandito ka sana ngayon sa aking kwarto.
Bahagyang naiilawan ng ilaw-poste ang kamay ko
habang aking ginugunita ang iyong alaala.
Tangan ko ang isang lanseta.
Regalo mo. Nakaukit pa nga rito:
Estela, Boboy, Puso. Hindi ba, tayo'y nangako?
Magkahawak-kamay nating haharapin ang bukas.
Hindi ko inaasahan na bibitiw ka.
Ngayon, napakahirap ang magluksa.
Kanina, bago lumubog ang araw,
narinig ko sa radyo: Binata, tumalon sa gusali.
Nabuntis na dalaga, nagbigti; gaya mo.
Matatapos din ang lahat. Sinasabi ko
sa bawat problema. Siguro nga,
nakatakdang magtapos ang lahat ngayong gabi.
Kailangan ko nang magmadali.
Malapit nang mapundi ang ilaw-poste.
Tangan ko ang isang lanseta.
Magbabakasakali ako ngayon, sinta.
Sana sa pagdilat ko, sa kabilang buhay,
muli tayong magkahawak-kamay.
Friday, October 10, 2008
Papel
ni Kristian Mamforte
Tinitipon ko ngayon ang mga nagkalat na papel.
Tumindig
At tumanaw tulad ng sa mensahero.
Tinitipon ko ngayon ang mga nagkalat na papel.
Tumindig
At tumanaw tulad ng sa mensahero.
Tulang naisulat matapos ayain ang isang kaibigang lumabas at mabigong muli
ni Brandon Dollente
Matagal na kitang gustong isulat sa tula, kaibigan.
Heto ako ngayon, sa harap ng humihikab na bintana,
ibinubulong itong mga salita sa natutulog na lungsod:
naririnig kita sa aking isipan. Paborito kong kulay
ang abo, sabi mo sa akin noong naupos ang mga ulap,
matapos magliyab ng takipsilim. Nanahimik ako noon
dahil wala akong ganoong lihim. Dahil nanahimik ka rin.
Naaalala mo pa ba iyon? Minsan sinabi mo, iba pa rin
talaga ang langit sa Las PiƱas. Malumanay ang usad.
Maaliwalas. Nasa tren tayo noon, nakatiklop ang mga kamay
sa natutuklap na hawakan, tila nagdarasal. Sinasagasaan
ng ating paningin ang kalansay ng mga inulilang gusali.
Nag-usap na rin tayo tungkol sa pananalig at mga kasalanan.
Tungkol sa pakikinig ng mga anghel sa ating usapan.
Tungkol sa Katubusan, at sa marami pang eskinitang ganoon
ang pangalan. Matagal na tayong di nagsasama, kaibigan,
at nakikipagbuno ako ngayon sa paglimot. May sinabi ka ba
tungkol doon? Dati, sigurado akong pinag-usapan na rin natin
ang gabi, tungkol sa mapang-usig na titig ng mga bituwin.
Di ko na ito maalala, kaibigan, ngunit nadarama ko pa rin.
kay Moreen

Subscribe to:
Posts (Atom)