ni Monching Damasing
Likumin mo sa bugso
ang mga bulong ng lalang
ng isang kakahuyang nahahamugan
ng buwan. ’Wag ka raw tumingala.
Danasin ang lawak
ng mga parang
na tangay ng uli-uli:
Nagsasayawan ang mga dahong
tumutungo sa lilim ng isang narra
naglipana ang nanahanang ibon
Sa humihimig na kaluskos. Dumadaloy
sa kayabungan, at lumampas
sa tahanan—Yumuko,
Hayaan mong magbigkas ang lupang
tumitingala upang masalubong ka.
Pumikit daw. Magdasal.
Hayaan mong tumalon
ang liglig ng tipaklong
sa mga tarangkahan ng kabahayan
at makiramdam: humahaplos ang hangin
sa limang kapatid mong pawisan
dahil lumuwas pa sa nayon ang hininga.
Friday, March 19, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
"Hayaan mong magbigkas ang lupang
tumitingala upang masalubong ka." -hindi ko mavisualize xD
ayos monch. alam mo, bihira na lang talaga yung mga nagsusulat ng tula na may malalalim na salita. pero kasi, halimbawa ako, yung mga magagandang tulang nababasa ko na may malalalim na salita, kahit hindi mo digs yung mismong salita, kahit lagpasan mo, parang swabe pa rin yung basa, hindi pa rin madidistract yung daloy. practice pa. ituluy-tuloy mo lang.
sabi nga ni Martin Heidegger: "Being /says/, while language follows Saying in speech." Minsan kailangan lang nating huminto't makinig.
Wika ni Holderlin: "Full of merit, yet poetically, man dwells on this earth."
Sabi ni Heidegger sa The Question Concerning Technology na ang kalikasan ang pinakamaatas na "poetry," dahil iniluluwal nito ang sarili mula sa sarili.
Ayun. Inspiration ko. Sisikapin kong husayin ito! rakenroll.
Monching, basahin mo ang Holtzwege (english trans.: Off the Beaten Track) ni Martin Heidegger. Alam kong matutuwa ka. Mayroong kopya sa library.
Sabi nga ng sign sa jip: God knows hudas not pay.
Wika ng kaibigan kong emo: Hindi ko kailangan ng pagmamahal.
Sabi ni Joey sa FRIENDS na ang pinakamagandang pick-up line ay "how you doin?"
Wait, nakalimutan ko yung ibig kong sabihin.
Post a Comment