Friday, April 23, 2010

Sa bingit ng tula

ni Joseph Casimiro

Nang datnan ko siya, siya
Ay nakatuon sa panahon.
Hindi ko alam kung gaano
Katagal siyang nakaharap;
Naghihintay; nananahan
Sa sandaling iyon. Hindi
Ko alam kung gaano katagal
Siyang magtatagal. Kung siya ay
May nakaraan o hinaharap, hinaharap
Lang niya ang lubhang
Hindi ko pa mauunawaan
Sa bingit ng tula.

7 comments:

Monching said...

nananahan? "dwelling?" subalit nilagay bago niyan ang "naghihintay:" ibig sabihin, may nakaabang na kilos, na taliwas sa "nananahan." ayos ang mga unang taludtod. problema ko lang dito ay kung sumasapat ang pinaparating na pagnanais tumula sa huling linyang "sa bingit ng tula."

pero astig ang landas na nagpapakita sa tula bilang isang masinsinang pagtalakay sa panahon, sa "finitude," kumbaga. nagiging simboliko ang mga salik ng kung ano mang tinuturing nating bumubuo ng tula (line cut bilang sagisag ng hiwalayan, etc.)

Anonymous said...

napansin ko lang:

"katagal siyang magtatagal"

o

"katagal siya magtatagal"

mas naaayon kung siyang nagtatagal kung iisipin nating siya rin ay "pandiwa"

Anonymous said...

@Monching: progresibo ang paglalapat ng pandiwa. Pansinin ang lohika ng linya.
@Nicko: Di ko mahanap ang punto mo. Sa tingin ko "katagal siyang magtatagal" ang ginamit ko, na sang-ayon naman sa punto mo, kung sakali.
Kapwa, salamat sa inyong puna.
-jc

monching said...

Jc, pinapansin ko naman ang linya. at nakikita ko ang suliranin sa pamamagitan ng pagsasalin. nagkakaroon ng suliranin kasi ang paghihintay (waiting) ay taliwas sa nananahan (dwelling). ang tanong ngayon kung may pinapakita bang kilos ang tula mo sa paglikha ng tula (action) o mere passiveness lang.

brandz said...

Parang hindi ko makita 'yung investedness ng persona sa tula (na binabasa ng persona sa tula, haha, nakakalito). hmm.

Kung anuman 'yung tinitingnan nung persona sa tula (na binabasa ng persona sa tula), gusto ko rin 'yung makita. Kung anumang maaari nating makita na makapagpapahubad (o at least iisipin ng nakatunghay na humuhubad) sa mismong sarili ng sarili.

Intellectual explosion 'tong tula. Haha.Salamat jc.

brandz said...

At alam kong hindi mo mami-miss read pero sakali man, hindi 'yan criticism a. haha. isa lang pagmumuni-muni du'n sa tingin kong pinupunto ng tula. :D

Anonymous said...

wala lang: isang maaari ring gawing proyekto ng tula (hindi itong tula a, subalit sa gustong sumubok lang) ang paghuhubad (pagyabong) at ang paningin (pagsubaybay). maaari rin ipasok dito ang konsepto ng panahon. :)

- monching