Friday, August 13, 2010

Kabanata Dos

ni Nicko Caluya

Wansapanataym, sa tabing ilog
Basta’t kasama kita hanggang sa dulo
ng walang hanggan, habang may buhay
pangako sa’yo may bukas pa
tayong dalawa! Sana’y wala nang wakas!
Abangan ang susunod na kabanata!
Iisa pa lamang, bituing walang ningning
(Hiram kahit isang saglit,
mga anghel na walang langit!
Natutulog ba ang Diyos?)
Sana maulit muli, pangarap na bituin,
ikaw ang lahat sa akin!
Eto na ang susunod na kabanata!
Dahil may isang ikaw, tanging yaman
darating ang umaga
sa sandaling kailangan mo ako.
Magandang tanghali!
Kay tagal kang hinintay!
Maging sino ka man:
Mara Clara, Esperanza, Eva Fonda,
Dyosa, Marina, Rubi, I love Betty La Fea!
Mula sa puso, walang kapalit
Home Along Da Riles, Alas Singko y Medya
Magkano ang iyong dangal?
Palimos ng pag-ibig!

Mangarap ka!
Lumang piso para sa puso.

4 comments:

monching said...

Nang gumapang ka sa lusak,

may pilyang kerubing

binibitag ng 24 oras

at....

basta masakit sa mata ang kabila.

:D

Anonymous said...

walang tatalo sa romantic air ng mga titles ng dos.

Anonymous said...

hi guys! kung sinumang dumaan, pakatay naman. :))

Roselyn said...

agree ako, mas naiiyak pa nga ako sa mga teleserye ng dos eh. :))