Wednesday, October 20, 2010

Rush Hour

ni Rachel Valencerina Marra

Nagpapahinga ang dalawang bata sa istasyon ng LRT sa Santolan. Isang maghapon uli silang nagpunas ng mga pares ng sapatos, sandalyas, at paa sa mga dyip na nag-aabang ng mga pasahero. Kakaunting barya pa lamang ang naiipon nila sa kanilang mga bulsa.

Tumingala sila sa langit, pinagmamasdan ang mga nagsasapawang sinag ng matitingkad na kahel, pula at dilaw sa mga siwang ng mga ulap na may bahid na ng lila. Halo-halo, sa isip ng isa. Sa loob-loob ng kasama niya, dugo.

Bumuhos sa bangketa ang mga tao mula sa istasyon.

5 comments:

Anonymous said...

Grabe talaga, noong una kong nabasa akala ko inapakan yung mga bata. Huhuhu. :D

Anonymous said...

ironic. Huhuhu tapos :D.

Natuwa ko kasi may lumabas na sakit, pero naiyak kasi masakit. Parang iyak-tawa lang.

monch said...

Di ko na titingnan ang halo-halo nang pareho. :D Anong nais iparating ng akda?

More narrative ito kaysa lyric, at doon lumalantad ang kahinaan sa tingin ko, dahil napakaikli ng akda. Dumadaldal lang ako rito ha, kaya huwag ninyo akong paniwalaan masyado. :D

Kung hindi ko nabasa ang "mula sa istasyon" sa last paragraph, ang naisip ko kasi may sumabog. Kung ganoon, halo-halo nga. Swift effect!

Grabe ito. :-)

rachel said...

Hi Nicko! Salamat haha. Nakuha mo yung intention ko (sa plot/dramatic situation). XD

Hi Monching! Nung ginawa ko 'to, ang buong intensyon ko, gawing maikling maikling maikling kuwento ito. Kaya kung lyric man ito, narrative talaga. Ewan, genre bending shiz na syempre, bahala na ang reader. Salamat!:P

Anonymous said...

Rachel! Nakuha ko ang Palanca entry mo hehe. Ay gagi kuha ko na yung comment ni Nicko!

- monch