ni Paolo Tiausas
labimpitong taong gulang na ako
at wala pa rin akong kuwarto.
sa minsang biniro ko ang nanay ko
na wala akong paglalagyan ng gamit,
may pag-uyam lang siyang tumawa:
aba, nangangarap pa ’to ng kuwarto!
sa gabi ring iyon, nag-ayos ako ng gamit.
nilipat-lipat ko ang mga kalat sa bahay
para magkaroon ako ng paglalagyan
ng mga nabasa’t binabasang aklat.
maalaga’t dahan-dahan kong hinanay
ang mga aklat na pambata, mga nobelang
inaral sa hayskul, at mga koleksyong buo
ng mga maikling-kuwento at tula.
wala pang isang metrong lapad
ang hanay na aking napuno
at wala namang napansin si nanay
na pagbabago sa aming tahanan.
labimpitong taong gulang na ako
at naghahanap pa rin ako ng kuwarto.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
parang sumisigaw ang potensiyal na maging matulain ang mga detalyeng wala rito.
inilapag mo ba, halimbawa ang kuwadro numero uno, sa imbisibol mong kuwadro. o ang cubao midnight express ba ay naiwan sa may bintana?
siniguro mo bang nasa ibabaw ng Lalaki sa Dilim ang Ilustrado?
Balikan mo ang mga libro. Naroon malamang ang hinahanap mong kuwarto.
aba, nangangarap pa ’to ng kuwarto!
ikaw na nagsabi. :D
relate ako dito :P (wala rin ako sariling kwarto sa bahay namin) XD
-rose
Post a Comment