Wednesday, January 26, 2011

Xerex

ni Nicko Caluya

Alam mo na marahil ang kuwento ng buhay ko habang ipinagyayabang ang aking katawan: ang matang nakatitig sa bawat titik kung gaano kalaki, katigas at kahaba. Marahil iyon lamang ang maiiwan sa iyong alaala kapag matutulog ka na. Sa iyong kinahihigaan, may hahablot na lamang ng iyong saplot. Wala ka nang ibang magawa kundi sumunod dahil sa pananabik. Hahawakan kita at bubulungan ng mga talinhaga tungkol sa pagmamay-ari ng isa’t isa. Uungol ka ngunit walang ibang makasasaksi sa nililikha mong panaginip. Sa bagay, aabangan mo lang naman ito: ang pagpasok-labas ko sa iyo, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, hanggang magsawa ka na. Mamumula sa pagkakabuka ang gilid ng bibig at pagitan ng mga hita, manginginig ang iyong mga daliri at tuhod sa mahigpit na pagkapit, at halos maiyak ka na sa hapding dulot ng pagdiin. At dahil babanggitin ko ang pawis, dugo at laway sa sinusulat ko, mandidiri ka. Hahanapin mo ang mga pangungusap, mga dayalogong punung-puno ng pagmamahal at pagmumura: "Walang hiya ka, binibitin mo ako, gustung-gusto kita, sige pa." Upang makasigurong ikaw lang ang kausap ko, idadagdag ko na rin kung gaano ako kainteresadong maari ka nang buong-buo: "Akin ka ngayon, wala nang ibang makagagawa nito sa iyo." Wala ka nang ibang iintindihin pa kundi ang sariling pagnanasang makarating sa langit kahit gaano kalaki, katigas, o kahaba ang pagdaraanan. Aabangan mo na lamang ang aking pagpapaulan. Sa ilang sandali, hindi mo na rin makakayanan. Pagbaba ng diyaryo, masisilaw ka sa matinding sikat ng araw.

2 comments:

Anonymous said...

personal comment ko to: bawasan ang pagiging malay ng persona sa pagkilos. sex makes you lose yourself, right? haha.

at sa huling bahagi, saan nanggagaling ang matinding sikat ng araw? bakit nasisilaw ang ka? ano ang layunin ng liwanag bilang pagtatapos?

Like!

- Monching

Anonymous said...

hohohoho ikaw lang din pala ang may gawa nito ah! daming alam! chos :))

-rose