ni Paolo Tiausas
Walang kawala sa gubat na nagnanakaw ng paningin. Ang tanging nakikita: ang mga hiblang nakalugay sa mga dambuhalang punong tinakpan at sinakop ang langit. Wala na ang langit. Walang mga tala kundi ang lihim ng mga dahon at sanga: mga matang nagbabanta mula sa lahat ng punong iniwan at nababalikan nang nababalikan nang nababalikan. Wala na pala sa katahimikan kahit ang tunog ng aking hingal. Mag-isa lang ako at ang gubat na naghahabol ng hininga.

3 comments:
Maganda ito. I really liked it. The form excellently expressed the experience of being trapped in what seems to be a forest of words. Some points tho, try making a forest of sounds in this forest; also, I leave it to you to divorce the last line from the entire poem. Your call, really. I think you need to rephrase the last line too, since it lacks the forceful energy that calls you into that sudden slumber of realizing that one is lost. Masarap isiping alam mong nawawala ka at naiiwang palatandaan ang mga bakas sa gubat sa iyong pagiging nawawala. I also love the image of not being able to see the sky; usually, we look up, in an almost desperate act of seeking the celestial and the divine, when we are lost. This makes me think about the concept of "leveling" (in architectural terms), of looking sa level na nakikita mo pa ang isang bagay. Mahusay ang piyesa.
-JC Casimiro
Magandang pagmumuni sa pagkawala at pagkatagpo (at pagtatagpo).
(na, oo nga pala, kung nasaan ako, naroroon ako; at habang nawawala ako, lalo kaming napag-iisa ng kinaroroonan ko)
Pero sa pagrerebisa, magandang ilagay ang tuon sa balance.
Ang ibig kong sabihin: nakikita ko ang sinasabi ni poging JC ukol sa last line. Idagdag ko lang ang tanong na: ganoon ba talaga katalim ang pagitan ng "being lost" at "being there"? Dahil itiniwangwang mo lang ang ikalawa sa huling linya, kaya naman tila hindi ito grounded sa kahit na ano pang bahagi ng tula.
Balance. Pati na rin sa prioritization ng senses.
Pero, at alam mo na rin naman ito, hindi nangangahulugan symmetry ang kailangan mo a. Marami pang paraan kung paano maaaring mawala sa tula na ito.
Diskubrehin mo lahat, at baka sa isang pagkakaligaw mo, sakaling magtagpo kayo ng mambabasa mo.
greetings, i newbie, i like blogwalking
Post a Comment