Wednesday, March 2, 2011

Sa Wakas

ni Lester Abuel

Alam mo bang kanina pa
akong magdamag nang nakatingin
sa ('yo) litrato mo. Ang puso ko'y hindi mapalagay
dahil atin ang nagdaang gabi. Ngayon,
ito ang unang araw na wala ka na

sinta, dahil katulad mo
ako rin ay nagbago. -- alam naman nating
noon pa man, meron nang taning -- hindi na tayo
tulad ng dati, kay bilis ng sandali.
Datapwa, inaasam ko

ang panahong makapiling at makita kang muli
kahit sa una't huling pagkakataon. Ngunit sa ngayon,
maglilinis ako ng aking kwarto:
punong-puno ng galit at damit,
mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig,
mga nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban.

Hindi ko na kakayaning mabuhay sa kahapon
kaya mula ngayon, mula ngayon
dahan-dahan ko nang ikinakahon
ang mga ala-ala ng lumuluhang kahapon
ang mga dahan-dahan kong inipon
ay kailangan nang itapon. Kailangan kong gumising,
gumising sa katotohanang

hindi ka naman talaga akin.

Kung makatulog man ako
matapos ng insomnia na 'to,
sa panaginip:

tinatawag kita,
sinusuyo kita,
'di mo man marinig,
'di mo man madama.

Kay tagal kitang minahal.
Kay tagal kitang mamahalin.

2 comments:

Anonymous said...

kay Lester "Tigasin" Abuel nga pala 'to.

Mabuhay ang Sugarfree
sa ating mga puso't isipan.

Unknown said...

pa-edit na lang tapos lagyan mo ng pangalan sa kauna-unahan ng post. :D