Wednesday, April 27, 2011

Pagsara ng Bintana

ni Nicko Caluya

Humahalili ang bombilya
sa buwang nawawala.
Ang papel na lungsod,

ang panulat na mitsa
ng unti-unting pagliwanag
ng paligid. Sa gilid nito

ang mga palad bilang lilim
sa mga salita. Natatanaw
ang pagbuo ng mga ulap,

tumatakip sa mga tala,
bumibigat, bumibigat
hanggang magpakawala

ng matinding ulan.
Nalulusaw na ang lungsod,
unti-unting nabubura.

2 comments:

Anonymous said...

magandang first tsaka last line. subalit sa pagproseso ng isip nagiging magaspang ang "ang papel na lungsod" na sinundan naman ng "ang panulat na mitsa..." pero sa larangan ng epistemolohiya (study of knowledge) at wika, ang ganda ng nakukuha kong reading sa 2nd stanza, kahit parang naunahan ito ng "ang papel na lungsod," kasi sa isip ko'y buo na ang lungsod sa stanza 1, pero unti-unti palang nagaganap sa stanza 2 (overreading na ba to? hehe). Liwanag ang wika, ang pahayag na sinasambit at sinusulat, at isang uri ng paglikha ng liwanag ang pagsusulat, kasi kapag sinasambit mo ang isang salita nalalantad at nasisilayan ang mundo.

Subalit nahahati ang source of light between yung bombilya at yung pabilo/mitsa, so hindi ko alam kung saan manggagaling ang daloy nitong tula/pahayag. Sa tingin ko rin kailangan patalasin pa yung palad/lilim kasi may unnecessary difficulty in processing it.

magandang posibilidad din yung daloy mula lilim patungo ulap! inherent ang kadiliman at ang pagtahan sa dalawang bagay na yun, pero by mentioning "ulap" nagkakaroon ng shifting of focus, which upsets yung pagtitig na ginawa na ng mga naunang saknong.

paano bumibigat ang mga ulap?

Lagi,

Monching :)

Anonymous said...

Hindi ko kasi magalaw ang lines 3-4. Balak ko na rin sanang isalin ang parallelism mula sa first two lines, pero pinaikli ko na lang. Baka nga iyon ang naging sanhi ng "gaspang", na hindi ko rin maisip kung paano iyon. :))

Pagdating sa posibilidad ng daloy, hindi ko muna iintindihin [o inintindi in the first place]. Mas okay siguro kung ipoproyekto ko muna ang simultaneous rather than flowing.

At sa pagbuo ng ulap, may ginagawa akong separate piece para diyan. Ibigay mo na sa akin ang sex and the city. LOL. :))