ni Rachel Valencerina Marra
BF Skinner, a known behavioralist, insisted that people are determined by the stimuli that they encounter everyday. Every encounter with a stimulus asks of a response from a person. For example, a child helps a woman cross the street and he is given a candy as a reward. Thus, the next time he sees someone who would need help crossing the street, he would help - as well as expect a reward afterward. If one lies and was punished severely for it, he or she would be hesitant to lie again for the fear of punishment.
If we are to manipulate the stimulus present in our society nowadays, every response that the people would give will be calculated. In that way, we will have at hand a systematized society, wherein there is much more importance in the stimulus rather than in the personal interests of an individual. We will have at hand a society geared only for the success of a peaceful and organized society.
A Utopia, according to Skinner. However
Hindi tapos ang tala. Gayunpaman, ito ng paboritong bahagi ng siyam na taong gulang na si Melvin sa kuwaderno ng kaniyang kuya. Isang linggo na ang nakararaan nang limasin ang mga gamit sa kuwarto ng kaniyang nakatatandang kapatid. Lahat ay inalis sa bahay: ang kama, ang mga damit, mga libro, mga tropeyo at medalyang napanalunan ng kaniyang kuya sa larangan ng Siyensa magmula pa ng siya'y nasa elementarya hanggang high school. Walang ititira, iyon ang utos ng kanilang mga magulang sa mga kinuha nilang trabahador. Subalit hindi nila napansin si Melvin nang pumasok ito sa kuwarto bago pa man magsimula ang mga trabahador sa pagbubuhat ng mga gamit papalabas ng bahay. Hinablot niya ang unang bagay na mahahablot niya, at ito ay ang kuwaderno ng kaniyang kuya sa Psychology.
Tuwing umaga, binabasa niya ang tala tungkol kay Skinner. Marami rin namang mga interesanteng bagay sa loob ng kuwaderno - halimbawa ay ang eksperimento ni Pavlov sa kaniyang mga naglalaway na aso, ang pagtatalakay tungkol sa Id, Ego, at Super Ego at Psychoanalysis ni Freud, at ang detalyadong mga paglalarawan sa mga sakit sa pag-iisip na depresyon. Ngunit para kay Melvin, wala nang hihigit pa sa ideya ng isang Utopia.
Habang binabasa uli ni Melvin ang mga talata tungkol sa teorya ni Skinner, kumatok sa pinto ang kaniyang ina.
"Melvin! Matagal ka pa ba? Baba na't kakain na, magsisimba pa tayo!"
"Opo!" Nagmadali si Melvin na tingnan ang sarili sa salamin. Masinop ang pagkakasuklay ng kaniyang buhok na lalo pang pinasinop ng gel. Inayos niya ang kuwelyo ng kaniyang polong suot. Sa unang pagkakataon, itim na sapatos ang kaniyang suot imbes sa nakasanayan niyang rubber shoes. Tumayo siya nang tuwid at natuwa sa kaniyang nakita sa salamin. Naalala niya ang litrato ng kaniyang kuya noong bata pa lamang ito kung saan nanalo siya sa isang Science Quiz Bee. Kinuha sa stage ang litratong iyon, habang inaabot ng isang matanda ang tropeyo sa kuya niya. Ang mga magulang naman nila ay nakatayo sa likod nito, parehong nakangiti at puno ng pagmamalaki ang kanilang mga mata. Aayusin na lang niya nang kaunti ang pagngiti at para na ring nabuhay ang bata sa litrato.
Pag-upo ni Melvin sa kaniyang upuan sa hapag-kainan, bumagsak sa mesa ang hawak na tinidor ng kaniyang ama, tiim ang bagang at nakatitig sa anak. Pagtingin ni Melvin sa kaniyang ina, nakatago ang mukha nito sa kaniyang mga kamay, nagpapakawala ng mga mahihinang hikbi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
rachel, relevant sa akin ito ngayon, psychology ang kinukuha ko.
hmm... psychoanalytic reading? bwahahahaha.
pero as usual may hatak pa rin sa akin ang notion na sa katotohanang nawala na ang sense ng utopia nang mawalay [i presume] ang kuya. nasa notes na lang ang inaasam ng isip na perpeksyon.
fail yang comment deleted na iyan, sa marahil account ako mismo nag-comment.
kilabot. nice Rachel!
haha nicko, ayos yang si Skinner. idol ko yan e.
salamat monching! :D
naaalala ko nung heights workshop may nagbanggit tungkol sa "mood piece". ano nga uli 'yun at pa'no siya gumagana (pinapagana / dapat gumana?)?
Post a Comment