Monday, December 13, 2010

Malikhaing Gawain

Disyembre 13, 2010. 7:30 - 7:35 n.g.
Kahingian: tulang hindi hihigit sa anim na linya o isang kuwentong hindi hihigit sa tatlong pangungusap. Gumamit ng anumang linya mula sa mga palabas sa telebisyon o pelikula.

Ligaya ang Itawag Mo sa Akin
Nicko Caluya

Pero okay rin ang Tukso na tumutusok
Sa malikot mong puso. O Harot, Lukso,
Haliparot, Indayog, Alindog, sa tunog
ng kahit anong ngalang kailangan ko
para mapariwara sa paraisong
pinupuwersa kong mapasok.

I Never Said That I Love You
Japhet Calupitan

Kinuha niya ang sinturon at hinigpitan
ang pantalong pinaluwang kaunti upang makalangoy
sa papawirin at makalipad sa kapatagan
samantalang binabanggit sa kaparis
"Ibibigay ko sa'yo ang lahat."

Isusumbong Kita sa Tatay Ko
Geneva Guyano

Gaya ng dati, ikaw ang nagpapaligo sa akin. Walang mali, hanggang sa napuna mong puno ng libag ang aking titi kaya kinuskos mo ito nang paulit-ulit. Kailangang malaman ito ni tatay -- kagabi pa siya umaalingasaw.

Isang Bala Ka Lang
Monching Damasing

Umaalingawngaw ang kanilang mura habang umaalingawngaw sa kanilang mga puso ang pagkawala. Pula, pula ang kulay ng alingawngaw, tanda ng pagbabalik. Tanaw nila ang pula ng langit sa kanyang mga palad.

Mula sa Magic Temple
Lester Abuel

Jubal: Ano po bang kailangan naming gawin, Aling Telang?
Telang Bayawak: Ano pa, eh di ang maging ganap na tao.
Hindi tinatawid ang ilog -- nilulusong.

-
Jeroshelle Santos

Nakarating ako mag-isa rito; makakauwi rin ako mag-isa. Wala na akong pag-asa.

Walang Himala
John Solito

Nahulog siya sa bangin.
Ang sakit.

7 comments:

Anonymous said...

Ansaya!

-JC

monching said...

anong title nung kay Jero? Cool ng mga posts! Geneve, bakit ka nagsorry? Gusto ko yung pagkakasunod-sunod ng mga entry!

Anonymous said...

Hindi pa rin ako maka-get-over sa mga ss:

1. Sino si Telang Bayawak? Nakanood ako ng Magic Temple, pero sino siya?

2. Hindi ka namin iju-judge, Geneve. At nakuha ko na kung bakit "siya" ang ginamit mo sa huling pangungusap.

3. Monch, tanungin natin si Jero dahil hindi ko rin mahanap kung nasaan talaga ang pamagat niya.

4. Hinanap ko pa si Japhet sa dorm dahil hindi ko halos maintindihan ang isinulat niya.

rachel said...

NICE :D

Jero said...

Hindi ko alam title nung akin eh. :)) SABAAWW na eh. Sorry.

Anonymous said...

NATAWA AKO DUN SA KAY JOHN. Muwahaha.

-Pao

Lester Abuel said...

@fireflights

Siya yung babaeng binibigti ng mga taong bayan dahil akala nila, masamang mangkukulam siya :D