Lumalangoy ang mga kulay-abong ulap
sa malamlam na puting langit,
tila kisame ng ospital.
Sa baba, mundong basa
ng mga luha ng mga ulap,
mga patak ng swero.
Hinawakan ko ang iyong kamay
tulad ng paghawak ko sa payong
kahit na hindi umuulan – takot
sa nakaambang pagbagsak.
Masdan mo: ang pagpikit,
tila pagdilim lamang ng himpapawid.
Hindi na liliwanag, sinta.
tila pagdilim lamang ng himpapawid.
Hindi na liliwanag, sinta.
Ngunit ‘wag mag-alala.
Mapayapa ang kawalan.
2 comments:
Welcome sa marahil, Robi!
Siguro, mga mabilis na puna lang muna:
1) Huwag mo na gamitin ang linyang "dahan-dahan ngunit tuluy-tuloy." Magtiwala ka sa imaheng ginamit mo (mga patak ng swero.) Sa tingin ko nga, puwede mo pa tanggalin 'yung salitang "tila" at paigtingin pa lalo ang sapak ng sinasabi mo.
2) May iilang mga typo lang din (sorry, hindi ko maiwasan haha) pagbagsak ata yung last line ng third stanza? :) at baka mas swabe pakinggan kung "nakaambang pagbagsak." "mag-alala" din sa last stanza!
3) May hula ako sa nais proyektuhin ng akda [mga pagkukumpara sa literal na setting at ospital, ang pagdilim ng gabi, ang kulimlim] ngunit mainam tignan ang huli mong saknong: digs na digs ko 'yung restraint. pero na[agtaka lang ako: nasaan na 'yung mga detalyeng na-build up mo? Ang pakiramdam ko lang naman, maaari mo sanang paigtingin 'yung sapak ng last stanza sa pamamagitan ng pag-incorporate ng mga ginamit mo nang detalye.
At huli: tumutula ka pala! Galing!
Sulat lang nang sulat! :)
-Pao
Napakagandang simula, Robi. Gayong hindi naman kita kilala. Kumusta?
Laging naka-amba ang panganib ng pagkalito sa imahen. Kung paanong, halimbawa, lumalangoy ang ulap. 'Yun pa naman ang pambungad na linya.
At, tutal sentral mo na rin naman imahen ang ospital, baka nga hindi ang lumalangoy na ulap ang gusto mong pansinin, kundi kung paanong namumutla ang langit, na tila naubusan ng dugo.
Pero, 'yun din, wala namang dugo ang langit. So, bahala ka na. :)
Nga pala, medyo pagod na ang luha ng mga ulap. Tulad ng sabi ni Pao, okey na ang mga patak ng swero bilang paghahalintulad sa ambon.
Parang hindi rin earned ang last line two lines mo. At medyo kumawala na siya sa "tightness" ng tula mo. Una, naging biglang napakalapit ng persona sa ikaw, Pangalawa, wala ka namang tintuturing na kawalan sa mg simulang parte.
Ang ibig kong sabihin: ito 'yung parte na ibig mong sabihin, pero baka hindi na ibig sabihin ng tula. Baka tungkol sa pag-usad ang mas hahapunan ng tula, tulad ng mga ulap sa simula. Bahala ka na kung paano mo hihiblahin ang tula at itatahi muli sa dulo.
Pero, mehn, pangatlong stanza, gusto kitang halikan.
Pero, 'yun nga, hindi pa kita kilala.
Lagi,
Brandz
Post a Comment