Saturday, August 23, 2008

Sentimental

ni Mike Orlino


Titig

Matalim na balaraw
ang iyong mga titig.
Iniiwang duguan
ang aking pananabik.


Hope

Hithitin ang sigarilyo't
sa namimigat na dibdib,
hugutin ang alipatong
magsusumamo sa langit.

2 comments:

Anonymous said...

gaya gaya ka talaga.. joke.. haha magaling naman

Anonymous said...

magaling magaling! mas gusto ko ang ikalawa. mas malawig.