Wednesday, September 17, 2008

Dama de Noche

ni Victor Anastacio

Kitang-kita ka ng lahat buong araw,
puti't payak na bulaklak na nakatanim sa hardin,
walang samyo ang mga mahinhing talulot.

Subalit pagdating ng gabi,
nagpapapitas ka mula sa lupa,
at ibinubuka ang iyong halimuyak sa dilim.

3 comments:

Anonymous said...

nakakaramdam ako ng senswalidad sa tulang ito.

Anonymous said...

ganda - chan

Marahil said...

nakakaramdam ako ng senswalidad sa nagsulat nito.

-ali