Friday, September 12, 2008

Noong Kasama Kita Habang Lumilindol

ni Kevin Marin

Hindi ko narinig
ang pangangatal ng mga baso't pinggan
sa gitna ng pagyanig.
Hindi nilingon
ang langitngit ng dingding
at walang nadamang ligalig
sa pagbagsak ng mga salamin.
Habang ika'y nakakapit sa akin,
pinakinggan ko
ang pagsasapintig sa iyong pulsuhan
ng bawat pantig ng aking pangalan.
Marahan at panatag na uyayi
sa sandali ng pagkagunaw.
Napawi ang pangamba
sa mga bagay na gumuguho't nababasag.
Sinta, sa yakap mo,
hindi ako kailan man matitinag.

3 comments:

Marahil said...

nakayayanig 'to, kaibig. mahusay.


pero yung pag-uyog ng mga kagamitan, at paglangitngit ng kama, madalas na atang nangyayari yan sa kuwarto mo.

*schlock schlock schlock* MMMMMMMMmmmmmmm.....

ali

Anonymous said...

maganda ang proyekto. sori, sabog ako at wala pang tulog. usap tayo minsan.

Anonymous said...

tama si ali - chan