ni Rachel Valencerina Marra
KRIIING!!!
Nagmadaling pumunta si Joshua sa kantina para bumili ng makakain: dalawang Lemon Square cheesecake, dalawang Funchum na apple flavor, at dalawang Mentos. Kipkip ang mga ito sa dibdib - di bale na'ng mabasa ang uniporme dahil sa mga nagpapawis na tetra foil pack - ay umakyat siya sa roofdeck ng kanilang eskuwelahan kung saan naghihintay sa kaniya si April.
Si April na mahilig sa keso, sa pulang mansanas, at sa kendi na malamig sa bibig.
Matapos ang ilang linggo ng pakikipagsalo kay April kapiling ng mga ulap at ibon ay napagtanto ni Joshua na ang lasa ng Funchum apple ay artipisyal at sumisiksik sa bawat sulok at gilid ng mga ngipin niya. Walang nagagawa ang Mentos sa paghugas ng lasang ito sapagkat lamig lang ang kaya nitong ibigay sa bunganga. Higit sa lahat, dumidikit sa ngala-ngala ang nginuyang Lemon Square cheesecake.
Ngayon, tuwing tutunog ang bell sa kalagitnaan ng hapon ay nagmamadaling pupunta si Joshua sa kantina upang bumili ng dalawang chocolate-flavored Stuffins, dalawang Zesto na orange flavor, at dalawang Klorets. Kipkip ang mga ito sa dibdib - di bale na'ng mabasa ang uniporme dahil sa mga nagpapawis na tetra foil pack - ay bababa siya sa basement ng eskuwelahan kung saan naghihintay sa kaniya si Celine.
Si Celine na hindi pinapatawad ang alinmang pagkain basta tsokolate, na mahilig sa matamis na maasim na lasa ng orange at sa kendi na nagpapapresko sa hininga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
tulad nang nasabi ko na, naghahanap pa rin ako ng resolution sa siklikal na akda na ito. game.
'joshua' talaga 'to rachel?
parang mas mainam kung 'JC'
tingin mo?
ali
ok brandz. gagawan ng paraan. =)
ali, hindi talaga. hindi. hinding hindi.
actually, oo nga, parang mas jc. alam mo naman, nagpu-puberty,
haha, may point. isipin nyo na lang 'JC' yan. =D
Post a Comment