ni Kristian Mamforte
Alam ko ang lihim mo alam ko
Alam mong alam ko ito
Na lamang ang ating maililihim
Friday, August 29, 2008
Thursday, August 28, 2008
Kung Ganoon
ni Brandon Dollente
Alam kong nariyan ka. Nakasunod ka
sa akin ngunit wala kang alam.
Marahil ang mahal mo ay ang ulan.
Hindi ako. Hindi, dahil kung oo,
marahil napansin mo ang mga nadurog
na tuyong dahon na aking tinapakan.
Marahil tinapik mo ako at sinabing,
“sigurado akong may sugat ka
sa talampakan.” Ngunit alam kong hindi
mo iyon malalaman. Dahil hindi ako
ang mahal mo kundi ang ulan. At alam natin:
walang mahal ang ulan. Lahat-lahat dinadaplisan.
Kaya sapat na sa iyo ang sinumang makakapiling.
Alam mo, ang ayaw ko lang sa ulan,
hindi ito nagpapaangkin kaninoman.
Ni hindi ko maaaring tipunin sa palad
o isilid sa bulsa o saluhin gamit ang puso
dahil tinatakluban ito ng balat. Dumudulas
lang ito sa katawan. At walang iniiwan.
Kaya kung ako ang nais mo, manalangin ka
na sa susunod na mapuno ng kalungkutan
ang dambuhalang dibdib ng kalangitan,
magkabit ang Diyos ng laso sa ulan.
Nang matapos mahugasan ng lahat,
may madampot ako at maipantali
sa buhok. Nang may maiuwi.
Nang malaman kong may nananatili.
Dahil ngayon, malusaw ka man
at makipagsiksikan sa mga patak
sa ulap na naghahanap ng mahahaplos,
hindi kita sasalubungin. Iiwasan kita.
Ayoko. Sisilong ako. Aantayin ko ang pagtila.
(sunod sa May Pagkakataong Ganito ni Ej Bagacina)
Alam kong nariyan ka. Nakasunod ka
sa akin ngunit wala kang alam.
Marahil ang mahal mo ay ang ulan.
Hindi ako. Hindi, dahil kung oo,
marahil napansin mo ang mga nadurog
na tuyong dahon na aking tinapakan.
Marahil tinapik mo ako at sinabing,
“sigurado akong may sugat ka
sa talampakan.” Ngunit alam kong hindi
mo iyon malalaman. Dahil hindi ako
ang mahal mo kundi ang ulan. At alam natin:
walang mahal ang ulan. Lahat-lahat dinadaplisan.
Kaya sapat na sa iyo ang sinumang makakapiling.
Alam mo, ang ayaw ko lang sa ulan,
hindi ito nagpapaangkin kaninoman.
Ni hindi ko maaaring tipunin sa palad
o isilid sa bulsa o saluhin gamit ang puso
dahil tinatakluban ito ng balat. Dumudulas
lang ito sa katawan. At walang iniiwan.
Kaya kung ako ang nais mo, manalangin ka
na sa susunod na mapuno ng kalungkutan
ang dambuhalang dibdib ng kalangitan,
magkabit ang Diyos ng laso sa ulan.
Nang matapos mahugasan ng lahat,
may madampot ako at maipantali
sa buhok. Nang may maiuwi.
Nang malaman kong may nananatili.
Dahil ngayon, malusaw ka man
at makipagsiksikan sa mga patak
sa ulap na naghahanap ng mahahaplos,
hindi kita sasalubungin. Iiwasan kita.
Ayoko. Sisilong ako. Aantayin ko ang pagtila.
(sunod sa May Pagkakataong Ganito ni Ej Bagacina)
Matapos ang lahat
ni Walther Hontiveros
Kalungkutan lamang ang tanging kasiguraduhan.
Ito ang hindi nagmamaliw na pulso
matapos bawian
ng pintig ang laman
at loob ng katawan.
Tanging ang bigat lamang
ng namumutlang bakas
ang mananatili sa kutson
ng lupa.
Ito ang tanging makatatawid
sa salaming sinisilid
ang nagluluksang katahimikan
ng mga mahal sa buhay,
labi
ng isang iniwanang buhay.
Kalungkutan lamang ang tanging kasiguraduhan.
Ito ang hindi nagmamaliw na pulso
matapos bawian
ng pintig ang laman
at loob ng katawan.
Tanging ang bigat lamang
ng namumutlang bakas
ang mananatili sa kutson
ng lupa.
Ito ang tanging makatatawid
sa salaming sinisilid
ang nagluluksang katahimikan
ng mga mahal sa buhay,
labi
ng isang iniwanang buhay.
Monday, August 25, 2008
Ang Banidoso at Ang Imahen
ni Joseph Casimiro
Ikaw ang akong humaharap sa ako.
Ako ang ikaw na humahanap sa tayo.
Ako at ikaw, ang tayo.
Tayo ang naghahanap sa ako.
Ikaw ang akong humaharap sa ako.
Ako ang ikaw na humahanap sa tayo.
Ako at ikaw, ang tayo.
Tayo ang naghahanap sa ako.
Saturday, August 23, 2008
Sentimental
ni Mike Orlino
Titig
Matalim na balaraw
ang iyong mga titig.
Iniiwang duguan
ang aking pananabik.
Hope
Hithitin ang sigarilyo't
sa namimigat na dibdib,
hugutin ang alipatong
magsusumamo sa langit.
Titig
Matalim na balaraw
ang iyong mga titig.
Iniiwang duguan
ang aking pananabik.
Hope
Hithitin ang sigarilyo't
sa namimigat na dibdib,
hugutin ang alipatong
magsusumamo sa langit.
Friday, August 22, 2008
Pagpapaliwanag
ni Angelique Detaunan
Kasi naiinis ako
na nakakausap mo pa rin
ako tungkol sa iba't ibang bagay
habang nakatingin sa akin, mata sa mata,
parang walang namagitang wala na ngayon.
na tinatanggap mo pa rin
lahat ng iniaalok ko sa iyo:
pagkain, panulak, payong, panyo,
parang hindi gumagana ang mga pakonswelo.
na nagagawa mo pa ring
manatili sa iisang lugar
kung nasaan ako,
parang hindi naiilang na may puwang na tayo.
na tinutukso pa rin
tayo ng barkada at mga kakilala
kapag nakikita tayong magkasama,
parang hindi nababahala sa sasabihin nila.
na nayayakag pa rin
kita na samahan ako sa kung saan
tuwing wala na kong pagpipilian kundi ikaw,
parang wala na ring makasama kundi ako.
Kasi naiinis ako
na nasasabi mo pa rin
kung gaano ako kaganda para sa'yo.
na napipisil mo pa rin
ng marahan ang kamay ko.
na natatapik mo pa rin
ang balikat ko.
na nayayakap mo pa rin
ako kahit sobrang sandali.
na nakakangiti ka pa rin
sa kabila ng lahat ng nangyari.
Kasi naiinis ako
na alam kong alam mo
na niloko lang kita:
pinaasa, ginamit, pinanakip-butas,
pero wala kang ginawa para gumanti.
na hindi ka man lang nagtanong
kung bakit biglang naputol
ang ating biglaang relasyon,
parang ayos lang na bigla tayong nagkalayo.
parang wala lang sa iyo ang lahat ng iyon.
parang hindi mo talaga ako sineryoso.
parang ginamit mo rin ako, pinampalipas-oras.
parang ako pa ang niloko mo.
Kasi naiinis ako sa'yo,
kaya hindi ako hihingi ng tawad.
Kasi naiinis ako
na nakakausap mo pa rin
ako tungkol sa iba't ibang bagay
habang nakatingin sa akin, mata sa mata,
parang walang namagitang wala na ngayon.
na tinatanggap mo pa rin
lahat ng iniaalok ko sa iyo:
pagkain, panulak, payong, panyo,
parang hindi gumagana ang mga pakonswelo.
na nagagawa mo pa ring
manatili sa iisang lugar
kung nasaan ako,
parang hindi naiilang na may puwang na tayo.
na tinutukso pa rin
tayo ng barkada at mga kakilala
kapag nakikita tayong magkasama,
parang hindi nababahala sa sasabihin nila.
na nayayakag pa rin
kita na samahan ako sa kung saan
tuwing wala na kong pagpipilian kundi ikaw,
parang wala na ring makasama kundi ako.
Kasi naiinis ako
na nasasabi mo pa rin
kung gaano ako kaganda para sa'yo.
na napipisil mo pa rin
ng marahan ang kamay ko.
na natatapik mo pa rin
ang balikat ko.
na nayayakap mo pa rin
ako kahit sobrang sandali.
na nakakangiti ka pa rin
sa kabila ng lahat ng nangyari.
Kasi naiinis ako
na alam kong alam mo
na niloko lang kita:
pinaasa, ginamit, pinanakip-butas,
pero wala kang ginawa para gumanti.
na hindi ka man lang nagtanong
kung bakit biglang naputol
ang ating biglaang relasyon,
parang ayos lang na bigla tayong nagkalayo.
parang wala lang sa iyo ang lahat ng iyon.
parang hindi mo talaga ako sineryoso.
parang ginamit mo rin ako, pinampalipas-oras.
parang ako pa ang niloko mo.
Kasi naiinis ako sa'yo,
kaya hindi ako hihingi ng tawad.
Eskinita
ni Kristian Mamforte
Ginising siya ng ingay wari
Ang pagkalam ng sikmura
Ang iyak ng sanggol sa kaniyang tabi
Ginising siya ng ingay wari
Ang pagkalam ng sikmura
Ang iyak ng sanggol sa kaniyang tabi
Mga Pagkapatda
ni Brandon Dollente
Bulalakaw
Mga bit'wing tumiwalag
at nagpadulas sa langit,
panandaliang panapat
sa lumbay ng mangingibig.
Delikado
Pusong yari sa talulot
ay napipintong maglagas;
nangungulubot sa lungkot
sa habag ay nakakalas.
Sandali
Nakasampa ang tutubi
sa isang talim ng damo.
Mamaya'y muling huhuni
mga pakpak niyang abo.
Daplis
Kanina ay may hiwaga
ang libong patak ng ulan;
lahat-lahat ay nabasa
ngunit walang nahugasan.
Titigan
Ang tuktok ng pagtingala
ng natulalang makata:
Ilaw-posteng kulay pula,
tila namamagang mata.
Bulalakaw
Mga bit'wing tumiwalag
at nagpadulas sa langit,
panandaliang panapat
sa lumbay ng mangingibig.
Delikado
Pusong yari sa talulot
ay napipintong maglagas;
nangungulubot sa lungkot
sa habag ay nakakalas.
Sandali
Nakasampa ang tutubi
sa isang talim ng damo.
Mamaya'y muling huhuni
mga pakpak niyang abo.
Daplis
Kanina ay may hiwaga
ang libong patak ng ulan;
lahat-lahat ay nabasa
ngunit walang nahugasan.
Titigan
Ang tuktok ng pagtingala
ng natulalang makata:
Ilaw-posteng kulay pula,
tila namamagang mata.
May Pagkakataong Ganito
ni Ej Bagacina
May pagkakataong ganito:
kung kailan galit ang kalangitan
at wala akong dalang payong
o kaya'y walang bubong na masisilungan.
At makikita kitang naglalakad
na kagaya ko. Binabalot ka ng takot
sa bawat kulog. Binabasa ka ng ulan
na naglalakbay sa bawat baybayin
ng iyong katawan. Patuloy kitang susundan
hanggang sa sumikat ang tila naduwag na araw
para malusaw ako at maging tubig
na unti-unting ililipad patungo sa mga ulap
upang sa muling pag-ulan,
ika'y aking mayakap.
May pagkakataong ganito:
kung kailan galit ang kalangitan
at wala akong dalang payong
o kaya'y walang bubong na masisilungan.
At makikita kitang naglalakad
na kagaya ko. Binabalot ka ng takot
sa bawat kulog. Binabasa ka ng ulan
na naglalakbay sa bawat baybayin
ng iyong katawan. Patuloy kitang susundan
hanggang sa sumikat ang tila naduwag na araw
para malusaw ako at maging tubig
na unti-unting ililipad patungo sa mga ulap
upang sa muling pag-ulan,
ika'y aking mayakap.
Sarado
ni Ali Sangalang
Nang sinambit ko, sinta:
Ang iyong mga ngipin
ay tulad ng mga tiklado ng piyano,
puting-puti,
mala-perlas,
at organisado
—abot-tenga ang ngiti mo.
Nang ipagpatuloy ko at sinabing:
at gaya rin nito,
may kimpal-kimpal na itim
sa mga kanto
—bigla mong isinarado.
Nang sinambit ko, sinta:
Ang iyong mga ngipin
ay tulad ng mga tiklado ng piyano,
puting-puti,
mala-perlas,
at organisado
—abot-tenga ang ngiti mo.
Nang ipagpatuloy ko at sinabing:
at gaya rin nito,
may kimpal-kimpal na itim
sa mga kanto
—bigla mong isinarado.
Thursday, August 21, 2008
Sulyap
ni Rachel Valencerina Marra
Nagtama ang ating mga paningin
Ngunit ako lang ang nakapansin
Na maititiklop sa isang segundo
Ang parehong pagbuo
At pagguho ng mundo.
Doble Cara
ni Irae Jardin
Malamig and simoy ng hangin
Mula sa iyong hininga
Balutin mo ako sa ginaw
Ng iyong mga bisig
Habang dinidiin ang kutsilyo
Ng panlilinlang sa aking likod
Habang pinupuri ng aking mata
Ang iyong mukha.
*pinost ko din ito sa Multiply, for contacts lang. www.magicalfallenstar.multiply.com* THANKS. :)
Malamig and simoy ng hangin
Mula sa iyong hininga
Balutin mo ako sa ginaw
Ng iyong mga bisig
Habang dinidiin ang kutsilyo
Ng panlilinlang sa aking likod
Habang pinupuri ng aking mata
Ang iyong mukha.
*pinost ko din ito sa Multiply, for contacts lang. www.magicalfallenstar.multiply.com* THANKS. :)
Wednesday, August 20, 2008
Diwata
ni Brandon Dollente
Tuwing gabi, nananalinhaga ang lahat.
Tuwing gabi, ang tanging suot niya
ay ang kaniyang paghaharaya –
Sa akin nakatingin ang mga tala.
Tuwing gabi, kabisado niya
ang mga daan patungo sa dagat
ng mga punda at kumot. Malalaking buwan
ang mga mata ng kaniyang mahal
at umaalon kahit ang tahimik na ilog
ng kaniyang dugo. Tuwing gabi,
saulado ng kaniyang mga labi
ang katigasan ng pagtitiwala’t pananalig
at ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig.
Sa manipis na silahis ng liwanag
mula sa bintanang nakabukas,
nagsasapilak ang kaniyang pawis
at nagsasarosas ang kaniyang mga pisngi.
Pati ang mga hiyaw ng pagtatalik
ay nagiging mahiwaga, nangingiliti
sa mga taingang nananalinhaga rin –
mga pakpak. Aliw ang salarin.
Tuwing gabi, nananalinhaga ang lahat.
Tuwing gabi, ang tanging suot niya
ay ang kaniyang paghaharaya –
Sa akin nakatingin ang mga tala.
Tuwing gabi, kabisado niya
ang mga daan patungo sa dagat
ng mga punda at kumot. Malalaking buwan
ang mga mata ng kaniyang mahal
at umaalon kahit ang tahimik na ilog
ng kaniyang dugo. Tuwing gabi,
saulado ng kaniyang mga labi
ang katigasan ng pagtitiwala’t pananalig
at ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig.
Sa manipis na silahis ng liwanag
mula sa bintanang nakabukas,
nagsasapilak ang kaniyang pawis
at nagsasarosas ang kaniyang mga pisngi.
Pati ang mga hiyaw ng pagtatalik
ay nagiging mahiwaga, nangingiliti
sa mga taingang nananalinhaga rin –
mga pakpak. Aliw ang salarin.
Subscribe to:
Posts (Atom)