ni Ali Sangalang
Nang sinambit ko, sinta:
Ang iyong mga ngipin
ay tulad ng mga tiklado ng piyano,
puting-puti,
mala-perlas,
at organisado
—abot-tenga ang ngiti mo.
Nang ipagpatuloy ko at sinabing:
at gaya rin nito,
may kimpal-kimpal na itim
sa mga kanto
—bigla mong isinarado.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ali, nagustuhan ko ang tula mong ito! Tulad ng mga iba mo, simple pero may bigat. Bukas pero sarado. haha -Walt
Hahaha! Salamat Walt!
Post a Comment